Nabiling Pawikan sa Baler, Pinakawalan sa Dingalan

by Bagong Aurora Website ng Bayan

sea turtleDINGALAN, Aurora-Pinakawalan sa karagatan ng Dingalan, Aurora ang isang sea turtle (pawikan) na isa umanong uri ng hawksbill sea turtle na kinikilalang endangered species na naninirahan sa mga karagatan ng Indian, Pacific at Atlantic.

Ayon kay Dingalan Community and Environment and Natural Resources Office (CENRO) Jimmy Aberin ang pawikan ay nahuli at nakuha sa bayan ng Baler, Aurora matapos na mabili ng ilang mga dayuhang turista na naninirahan sa Nueve Ecija.

Naibiyahe pa umano ang pawikan palabas ng Aurora papunta sa Cabanatuan City, Nueva Ecija na kung saan napagpasyahan ng turista na isuko na lamang kay CENRO–Ariel Mendoza na nakabase sa Cabanatuan City.

Minabuti ni CENRO Mendoza na dalhin ang pawikan kay CENRO Aberin upang doon na pakawalan.

sea turtle headAng pinakawalang babaeng pawikan ay may edad na limang taon, may sukat, haba at lapad na nasa mahigit 24 na pulgada.

Ipinaalala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko ang Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Ang pagpatay sa wildlife critically endangered species ay may pagkabilanggo ng 6 na taon at isang araw hanggang labing dalawang taon at pagmumulta ng  isang daan libong piso hanggang isang million piso.

Ang pagpapakawala ng pawikan umano ay isang hakbang ng DENR para ipakita sa sambayanan na kailangan pangalagaan at ingatan ang mga endangered species na malapit ng maubos. (Nelvie Broncate)

Disclaimer: The comments uploaded on this website do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "Bagong Aurora Website ng Bayan". All feedbacks sent to the site and all articles submitted to it are considered property of Bagong Aurora Website ng Bayan. Such feedback may be posted on the site or used in other mediums. If you wish to reproduce, republish, upload, post, transmit, modify, distribute or publicly perform or display material from this site, you must first obtain written permission from Bagong Aurora Website ng Bayan through its Publisher and/or Editor in Chief for reprinting and syndication costs and agreements. You may view and download material from this site for your personal, non-commercial home use only. The Bagong Aurora Website ng Bayan Columnist/s opinionated in this site redound to his/her own perspective only and not the whole group. Only the columnist/s are held liable in his own opinion for whatever he would like to emphasize. (Bagong Aurora Website ng Bayan, Editor-in-Chief )

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: