JEEP, BUMALIKTAD, 17 NASAKTAN

by Bagong Aurora Website ng Bayan
MARIA AURORA, Aurora, April 28, 2012-Sugatan ang 17 sakay ng isang XLT Jeep na kulay puti at dilaw na may plakang ZJL 843 ng bumaliktad ito noong Biyernes ng tanghali  habang binabagtas ang pabulusok na bahagi ng San Luis Aurora-Maria Aurora-Canili (SLAMAC) Road sa bahagi ng Brgy. Dianawan ng bayang ito.
 
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya ng Ma. Aurora, galing ng San Jose City, Nueva Ecija ang sasakyan sakay ang 17 na magkakamag-anak kasama na ang driver na si Edgardo Martinez, 55 anyos na pawang mga residente ng naturang lungsod para sana dumalo sa kasal ng kanilang kamag-anak sa Baler, Aurora.
 
Nagbawas diumano ng kambyo (lowgear) ang driver ng dumating sa pababang bahagi ng naturang lansangan subalit nawalan ng preno at bumaliktad ang sasakyan dahil pinilit ng driver na iliko ito para hindi mahulog sa may 30 talampakang lalim ng bangin.
 
Agad isinugod ng mga residente at nagdaang mga motorista sa Aurora Memorial Hospital ang sugatang mga biktima subalit inilipat sa isang pagamutan malapit sa kanilang lugar.
 
Magugunita na sa lugar ding iyon nahulog ang isang Elf truck noong Disyembre 2009 na ikinasawi ng 10 tao at pagkasugat ng 17 iba pa na makikipagkasalan lamang sana sa isang kamag-anak sa Maria Aurora.
 
Oktubre ng kapareho ring taon ng mahulog naman ang isang gasoline tanker at tumapon lahat ang laman nitong 16,000 litro ng gasolina kung saan nasugatan at nabalian ng buto ang driver nito at sugatan rin ang dalawang nitong pahinante.
 
Noon lamang Setyembre 17, 2011, tatlo ang patay at anim ang sugatan ng mawalan ng preno at sumalpok sa bundok ang isang trak na puno ng mga itatanim na niyog sa So. Dimotol, Brgy.  Dianawan, ng naturang bayan na hindi lamang kalayuan sa lugar na kinahulugan ng jeep.
 
Ayon sa mga residente, marami pang sumunod at naunang mga aksidente ang nangyari sa pook na iyon kaya dapat na diumanong kumilos ang DPWH upang malimitahan kundi man mawala ang mga aksidenteng nagaganap sa naturang lugar.
 
Ayon naman kay District Engineer Elmer Dabbay ng DPWH-Aurora, hindi sila nagkulang ng mga warning signs sa lugar at dobleng pag-iingat lang ang dapat gawin ng mga motoristang dadaan sa naturang lansangan.
 
Pinayuhan rin ni Dabbay ang mga motorista na siguruhing nakakondisyon ang mga sasakyan kung dadaan sa SLAMAC road at huwag magkarga ng hihigit sa sampung tonelada upang makaraan sa Canili-Diayo dam ng National Irrigation Administration.  (Ronald Madrid Leander)

3 Responses to “JEEP, BUMALIKTAD, 17 NASAKTAN”

  1. dapat po siguroy lagyan at lakihan ang babala sa lugar na yan sapagkat accident prone area yan at may mga ilang beses na rin ang mga pangyayaring aksidenta jan.napakarami narin nagbuwis ng buhay dahil lamang sa paliko at matarik na palusong sa lugar na yan.

Trackbacks

Disclaimer: The comments uploaded on this website do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "Bagong Aurora Website ng Bayan". All feedbacks sent to the site and all articles submitted to it are considered property of Bagong Aurora Website ng Bayan. Such feedback may be posted on the site or used in other mediums. If you wish to reproduce, republish, upload, post, transmit, modify, distribute or publicly perform or display material from this site, you must first obtain written permission from Bagong Aurora Website ng Bayan through its Publisher and/or Editor in Chief for reprinting and syndication costs and agreements. You may view and download material from this site for your personal, non-commercial home use only. The Bagong Aurora Website ng Bayan Columnist/s opinionated in this site redound to his/her own perspective only and not the whole group. Only the columnist/s are held liable in his own opinion for whatever he would like to emphasize. (Bagong Aurora Website ng Bayan, Editor-in-Chief )