Archive for January 29th, 2015

January 29, 2015

SB Dingalan, Humiling sa DPWH para sa Pagsasaayos ng Tulay

by Bagong Aurora Website ng Bayan

Nelvie Broncate PhotoDINGALAN, Aurora-Isinusulong na ng Sangguniang Bayan (SB) ng Dingalan ang panukalang humihiling kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Antonio Molano Jr. na ilipat na lang ang mga bakal ng ginagawang tulay sa Brgy. Butas na Bato sa tulay ng Subsub Creek na nag-uugnay sa Brgy. Poblacion at Brgy. Paltic para maging maayos ang transportasyon sa lugar.

Una rito’y personal na binisita ng mga tauhan ng DPWH Regional Office Region 3 na sina Bridge Engr. Carina Gazo at Project Engr. Hercules Carreon ang kondisyon ng naturang mga tulay.

Nakita ng mga ito sa kanilang pagsisiyasat na talagang kailangan ng isang konkretong tulay sa lugar dahil sa report na tuwing lumalakas ang ulan ay umaapaw din ang tubig sa ilog at nakukulong ang mga naninirahan sa Brgy. Paltic at walang makadaan na ano mang uri ng sasakyan.

Ang nasabing mga bakal na 4 spans ay ibibigay ng DPWH sa LGU Dingalan at maaring gamitin para sa repair ng Subsub Bridge.

Kailangan lamang daw na magsumite ng isang resolution o request ang DPWH regional Office para sa assistance ng gagawing tulay pahayag ni Project Eng. Carreon.

Ayon kay Mayor Zenaida Padiernos, may pondong nakalaang para sa gagawing tulay sa Subsub dreek na nagkakahalaga ng isang milyong piso mula sa National Government at kung ito raw ay kukulangin ay gagawan raw nila ng paraan dahil matagal na itong kailangan ng taumbayan. (Nelvie Broncate, DWBW Radyo TV Baler/CLMA News)