Archive for January 28th, 2015

January 28, 2015

Catholic media czar cum pol basher Cortez named new bishop of Prelature of Infanta

by Bagong Aurora Website ng Bayan

???????????????????????????????INFANTA, Quezon – A sexagenarian priest who headed the Catholic Media Network (CMN) and who is also known as a vocal arch-critic of politicians has been installed as the new bishop of the Catholic Prelature of Infanta which covers this province and Aurora.

          Manila Auxiliary Bishop Bernardino Cortez, 65, was installed as the fourth bishop of the Prelature of Infanta at the Saint Mark’s Cathedral in a two-hour liturgical rites here Friday.

           Cortez succeeded Archbishop Rolando Tria Tirona who was named Archbishop of Nueva Caceres.

           Cortez’s new assignment has a Catholic population of 4.35 million.

           cortez bishop welcome          Cortez is chairman of the CMN. He was former parish priest of the Diocese of San Pablo in Laguna where he was ordained in June 1974.

          Outspoken and hard-hitting, Cortez gained prominence for bashing politicians and criticizing them for allegedly taking advantage of the electorate, saying that these politicians’ concern is not genuine because they usually exhibit it to voters during the election season.

           When the elections are over, he said many politicians do something to advance their self-interests.

            bishop cortez mass           Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, who graced the ceremony, called on the faithful to be more prayerful and to show profound respect for human beings and their sensibilities.

           He said the Prelature will continue to respond to numerous pastoral challenges, especially those related to authentic human development, the situation of indigenous peoples (IPs) among others.

          Then turning to corrupt politicians, he said “sana yung mga buwaya ay maging butiki (crocodiles should turn into lizards).”

          10176029_612637758868262_8121842609733797498_n               Pope John Paul II appointed Cortez as Auxiliary Bishop of Manila in May 2004 where he served for 10 years.

               Last October 27, Pope Francis appointed him as the new Bishop of Infanta. (Manny Galvez)

January 28, 2015

Kapatirang Tau Gamma Phi, Labis ang Dalamhati sa Pagkamatay ng 1 sa Nasawi sa Maguindanao

by Bagong Aurora Website ng Bayan

10376077_10153096284429198_7554288659120194060_nSAN LUIS, Aurora-Ikinalulungkot ngunit ipinagmamalaki ng kapatiran ng Tau Gamma Phi, Triskelion International Grand Fraternity sa Aurora ang pagkamatay ng kanilang mahal na kapatid sa Triskelion na si Police Officer 3 Nikki De Castro Nacino Jr., 31 years old, residente ng Purok Diwang Ginto, Brgy. Ditumabo, San Luis, Aurora na isa sa halos 50 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na namatay sa madugong sagupaan na naganap sa Mamasapano, Maguindanao, nitong Linggo ng madaling araw.

Ayon kay SB Member Tristan Pimentel, Aurora Chapter Batch 89 at isa sa nagtatag ng Ditumabo Chapter ng Tau Gamma Phi International Grand Fraternity, masakit sa kanila ang nangyari kay Nacino ngunit kailangang tanggapin dahil trabaho nito na maglingkod sa bayan.

10940417_628202467284924_3357913864360572600_nLumaki umano sa Purok Diwang Ginto ito sa pangangalaga ng kanyang mga magulang na huwaran, palabiro, mabuting kaibigan at higit sa lahat malapit sa Diyos.

Emosyunal din na inihayag nito na hindi siya makapaniwalang wala na ang kapatid nito sa Tau Gamma Phi dahil sobrang bait at masunuring bata si Nacino.

“Kaylan man ay hindi nasangkot sa anumang gulo sa kapatiran at maging sa komunidad si Nacino,” paliwanag ni Pimentel.

541617_10153095802329198_2790417369547690350_n“Bago magpasko ay nagpunta pa sa bahay ko si bro. Nacino at masayang ikinuwento ang pagiging isang alagad ng batas at pagkakaroon ng sariling pamilya. Iyan na ang huli naming pagkikita,” kwento ni Pimentel.

Bagama’t ipinagluluksa ng kapatiran ang pagkamatay ng kanilang kasamahan, proud sila na namatay ito sa pagbubuwis ng buhay alang-alang sa bayan.

Nanawagan din si Pimentel ng kahinahunan sa lahat sa gitna ng galit na namumuo sa mga Chapters ng kapatiran sa Mindanao dahil sa pangyayari sa grupo ng SAF gayundin sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Larawan ni PO2 Nikki Nacino Jr.

Larawan ni PO2 Nikki Nacino Jr.

Sinabi nito na nararapat lamang kondenahin ang malagim na insidente pero napakaimportanteng pairalin ang lamig ng ulo sa ganitong panahon.

Ito ay upang hindi magkaroon ng padalos-dalos na desisyon lalo na para sa Bangsamoro Basic Law (BBL) na magiging pundasyon ng implementasyon ng kasunduan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“Kapag hindi huminahon ang lahat ay masasayang ang maraming taong pagsisikap para magkaroon na ng kapayapaan ang Mindanao,” paliwanag ni Pimentel.

1464698_1559614384295158_834908090017946633_n“Mahalaga ding makumpleto agad ang pagkalap ng impormasyon at makabuo ng polisiya para maiwasang maulit sa hinaharap ang ganitong madugong engkwentro,” dagdag na paliwanag ng konsehal.

Magkagayunman, ipinaliwanag ni Pimentel na dapat ding panagutin ang may sala maging sa panig man ng pamahalaan o sa MILF.

Kaugnay nito, isusulong ni Pimentel sa Sangguniang Bayan ng San Luis, Aurora sa darating na lunes ang isang resolusyon para bigyang parangal ang nasawing si Nacino. (Jason de Asis)