Archive for January 26th, 2015

January 26, 2015

Bishop Cortez, Successor of Archbishop Tirona in Prelature of Infanta

by Bagong Aurora Website ng Bayan

cortez installationBALER, Aurora-Manila Auxiliary Bishop Bernardino Cortez, D.D. was installed last Friday, January 23, 2015 as 4th Bishop of the Prelature of Infanta in Saint Mark’s Cathedral, Infanta, Quezon Province in a two hour solemn liturgical rites.

The diocese of Infanta was left vacant since 2012 after Archbishop Rolando Tria Tirona was installed as Archbishop of Nueva Caceres wherein Cortez succeeded the post.

The prelature territories are the northern portions of the provinces of Quezon and the whole of Aurora.

tagleManila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle graced the ceremony and has called to the need for prayerfulness and a profound respect for the conditions and sensibilities of human persons in pastoral life as the Prelature will continue to respond to numerous pastoral challenges, especially those related to authentic human development, the situation of indigenous peoples, and stewardship of creation.

“Sana yung mga buwaya ay maging butiki as in the picture of Saint Mary,” Tagle quoted during the rite referring to politicians.

cortez welcomeBack to Cortez, he is now 65 years old and a former priest of the Diocese of San Pablo in Laguna where he was ordained in June 1974.

Cortez is also known in criticizing politicians who take advantage of the Filipino electorate, saying that politicians usually please voters during the election season. He said that politicians show care and concern, but after the period, everything goes back to normal and that they are doing things in exchange of something that could benefit them, not because of the love they have for others. In the heat of the 2013 midterm elections, he took a swipe at politicians who made a show of serving the people, but for their vested interests.

Cortez, Chairman of the Catholic Media Network (CMN) has been known to serve his ministry with a passion, especially the pastoral challenges.

cortez bishopSaint John Paul II appointed Cortez as Auxiliary Bishop of Manila on May 2004 and served for 10 years, and now as 4th Bishop of Infanta, he will administer an ecclesiastical jurisdiction with almost half-a-million population, 87 percent of which are Catholics from 20 parishes.

It could be remembered that Pope Francis has appointed Cortez as the new Bishop of Infanta in Quezon province. The appointment was announced at 12 noon in Rome (7pm, Manila time) last October 27, 2014. (Jason de Asis)

January 26, 2015

Govt must honor pope by completing projects

by Bagong Aurora Website ng Bayan

http://manilastandardtoday.com/2015/01/23/govt-must-honor-pope-by-completing-projects/

January 26, 2015

Director Taay, Interesado sa Pagtakbo bilang Alkalde ng Dingalan

by Bagong Aurora Website ng Bayan

Nelvie Broncate PhotoDINGALAN, Aurora-Matapos magdeklara ni Dingalan Mayor Padiernos na ang kanyang anak na si Konsehala Diwata Madria ang ilalaban sa pagka-alkalde sa bayang ito para sa 2016 Election ay nagpahayag ng interest sa pagtakbo bilang Mayor ng Dingalan si dating Bokal at ngayon ay National Youth Commission Director na si Sherwin H. Taay.

Nabatid na pinag-aaralan na nito ang pagbabalik sa kanyang karera sa Pulitika.

Ang 35 anyos na si Taay ay dating SK Provincial Federation President ng Aurora na isa sa pinakamahusay na legislator sa Sangguniang Panlalawigan (SP), 9 na taong nahalal sa pagiging Board Member sa unang distrito ng Aurora, dating Head Provincial Employment, Sports, Culture for the Arts and Youth Development Office (PESCAYDO) bago naging Director ng National Youth Commission at sinasabing kilalang action man dahil sa mahusay nitong panunungkulan simula ng pumasok ito sa trabaho at pulitika.

Kapag tumuloy umano si Taay, inaasahan na ang Four Corner Fights sa pagka-Mayor sa Dingalan at sa Political History ng bayang ito ay ngayon lang mangyayari na apat na katao ang maglalaban-laban sa naturang posisyon.

Bukod kasi kay Madria at Taay ay sigurado na rin ang pagkandidato ni Incumbent Vice Mayor Edgar Liu sa pagka-Alkalde sa sususnod na halalan habang nag-deklara din na kakandidatong Alkalde si Municipal Engr. Emmanuel Tigas kahit independent lamang.

Para naman sa ilang Dingalenyos, kahit sino pa raw ang kumandidato ay bahala na ang Taumbayan ang magpasya.

Sa kabila nito, umaasa ang publiko sa bayang ito na ang iiral ay katapatan sa mga naghahangad na kumandidato at hindi pansariling interest lamang.

Payo ng ilang kritiko na magtrabaho muna sila ngayon at saka na ang usapang pampulitika. (Nelvie Broncate, DWBW 92.1FM Radyo-Tv Baler – RTV/CLMA News)

January 26, 2015

Mga Naghahangad bilang Alkalde ng Dingalan, Pinag-uusapan na ng Publiko

by Bagong Aurora Website ng Bayan

Nelvie Broncate PhotoDINGALAN, Aurora-Pinag-uusapan na ng publiko kung sino ang mga kakandidato bilang alkalde sa bayang ito kahit na sa 2016 pa ang National and Local Election.

Naging matunog ang usapang pampulitika sa bayang ito makaraang ihayag ni Dingalan Mayor Zenaida Padiernos ang pagpasa ng kanyang korona sa anak na si Diwata Padiernos Madria para kumandidato sa pagka-Alkalde sa 2016.

May partido man daw o wala ay si Madria ang kanyang palalabanin para pumalit sa kanyang puwesto.

Sinabi ng alkalde na pangmasa ang kanyang anak kaya ito ang kanyang napupusuan na isabak sa susunod na halalan gayundin ang karanasan nito sa pagseserbisyo bilang konsehal ng bayan sa Dingalan.

Bukas naman ang alkalde sa mga makakatunggali ng kanyang anak at sinabing karapatan nila na kumandidato at maghangad sa naturang puwesto.

Magugunitang, nauna ng nagdeklara ng pagkandidato bilang Mayor si Municipal Engr. Emmanuel Tigas.

Payo naman ni Padiernos na mag-resign na ito sa kasalukuyang puwesto para maiwasan ang di-pagkakaunawaan bilang empleyado ng munisipyo na nasa ilalim ng kanyang pamamahala.

Sa kabila ng payo ni Padiernos, nagmatigas si Engr. Emannuel at nagsabing magreresign lamang umano siya kapag nakapag-file na siya ng Certificate of Candidacy.

Samantala, nagpahayag si Padiernos na wala na siyang balak pumasok muli sa Pulitika kahit sa mas mababang posisyon dahil siya raw ay hindi pang Vice Mayor o Konsehal kundi pang Mayor lamang. (Nelvie Broncate, DWBW 92.1FM Radyo-Tv Baler – RTV/CLMA News)

January 26, 2015

Publiko, Sari-sari ang Opinyon sa 1 Pahayag ni Pope Francis

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdzBALER, Aurora-Sari-saring interpretasyon ng publiko ang naging pahayag ni Pope Francis na hindi dapat magparami ng anak ang mga katoliko nang gaya ng sa kuneho.

Ayon sa mga texters sa Opinyon ng Bayan sa DWBW 92.1FM Radyo TV Baler nitong Hwebes, nasabi lang daw ng Santo Papa ang ganitong pahayag dahil sa nasaksihang kalagayan ng bansa matapos itong bumisita sa Pilipinas.

Paniwala ng ilan, dapat lang na iwasang magparami ng anak lalo na kung hindi naman nila kayang itaguyod ng mahusay.

Ayon naman sa ilang texter, tila salungat daw ang pahayag ng Papa kung ang pagbabatayan ay ang nakasulat sa bibliya kung saan iniutos ng panginoon na humayo kayo at magpakarami.

Pero ano man daw ang paniniwala ng iba sa naging pahayag ni Pope Francis, sigurado daw sila na iniisip lang ng Santo Papa ang mas makabubuti sa sangkatauhan. (Ferdinand Pascual)

January 26, 2015

4 Million Budget para sa Paggawa sa Istraktura sa Palengke ng San Luis, Inumpisahan na

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdzSAN LUIS, Aurora-Pagagandahin na sa bayang ito ng San Luis Local Government Unit (LGU) ang kanilang pamilihang bayan dahil matagal na panahon na itong hindi masyadong naaayos.

Ayon kay Mayor Annabelle Tangson, nasa apat na milyong piso ang kanilang inilaang pondo para sa pagtatayo ng magandang istraktura sa palengke ng San Luis.

Dalawang milyong piso ay mula sa San Luis LGU at dalawang milyong piso na mula naman sa pamahalaang panlalawigan.

Bukod tangi kasing ang San Luis lamang sa Central Aurora ang walang maayos na palengke.

Sa ngayon ay sinisimulan na ang pagsasaayos ng pamilihang bayan na may lawak na isang ektarya.

Ayon kay Tangson boluntaryong ibinigay ng kanyang mga magulang sa gobyerno ang naturang lupain.

Isa sa malaking pagawain ng pamilihan ang pagkumpuni sa kasalukuyang tanggapan ng pamatay sunog na gagawing dalawang palapag at magiging Dry and Wet Section ng pamilihan habang ang mga bumbero naman ay lilipat sa iiwanang opisina ng pulisya dahil may bago na silang gusali.

Panawagan ni Tangson, sana’y tangkilikin ng kanyang mga kababayan ang kanilang bagong pamilihang bayan. (Ferdinand Pascual)

January 26, 2015

Publiko, Nagbigay ng Opinyon sa Madalas na Pagliban ni Pacquiao sa Kongreso

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdzBALER, Aurora-Halos hati ang reaksyon ng mga tagapakinig sa radyo sa DWBW 92.1 FM Radyo TV Baler kaugnay sa madalas na pagliban ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa kongreso.

55 % ng mga texters ang nagsabing inggit lang ang nagpanukalang tanggalin ang mga kongresistang madalas na lumiliban sa mga sesyon. Makatwiran naman daw ang pagliban ng pambansang kamao dahil sa pag-eensayo nito sa boxing na nagbibigay ng karangalan sa bansa.

Anila marami nang napatunayan at naiambag si Pacquiao sa bansa samantalang may mga kongresistang laging present pero wala namang panukalang batas.

45% naman ang nagsabing dapat lang sibakin si pacquiao para magsilbing ehemplo sa mga mambabatas na dapat unahin ang sinumpaang tungkulin sa bayan.

Sinabi ng ilang texter na gahaman na si Pacquiao dahil bukod sa boksing ay pinasok nito ang lahat gaya ng pulitika, basketball at pagpapastor. (Ferdinand Pascual)

January 26, 2015

Menor-de-Edad, Sangkot sa Serye ng Nakawan sa Dipaculao

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdzDIPACULAO, Aurora-Kinumpirma ng mga tauhan ng Dipaculao Philippine National Police (PNP) na pawang grupo ng mga kabataan ang sangkot sa mga serye ng mga nangyayaring nakawan sa bayang ito matapos na masakote ng pulisya ang grupo ng mga magnanakaw kamakailan.

Ayon kay OIC Chief of Police, Police Inspector Myra Novilla ng Dipaculao PNP, dalawang grupo lang ng mga kabataang magkapareho ng operasyon ang gumagawa ng pagnanakaw sa nasabing bayan.

Ayon sa opisyal, matapos daw kasing magnakaw ang mga ito sa isang lugar ay doon pa sila dudumi.

Matapos maaresto ang mga sangkot na menor-de-edad ay agad din naman nilang inilipat sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare And Development Office (MSWDO) ng Dipaculao, Aurora ang mga ito. (Ferdinand Pascual)