Archive for January 18th, 2015

January 18, 2015

“Amang,” Isa na lamang Low Pressure Area

by Bagong Aurora Website ng Bayan

1BALER, Aurora-Tuluyan pa ring humina ang bagyong Amang hangang sa idineklara na lamang ito ng pagasa na isang low pressure area (LPA) na lamang ito ngayon na nanalasa sa Eastern Visayas at Bicol Region.

Naapektuhan ito umano ng ibang mga weather system, maliban pa sa ilang ulit na pagtama nito sa lupa.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Casiguran, Aurora.

amang_15011818Dahil dito, wala nang umiiral na storm signals sa lahat ng lugar sa ating bansa.

Magkagayunman, uulanin pa rin ang Central at Northern Luzon dahil sa mga ulap na nahatak ng dating bagyong Amang, ayon sa Pagasa. (Bagong Aurora Website ng Bayan News Team)

January 18, 2015

Bagyong Amang Humina pa: Aurora Province Signal Number 1

by Bagong Aurora Website ng Bayan

amang papahina naBALER, Aurora-Lalo pang humina ang bagyong Amang dahil sa epekto ng hanging amihan.

Sa report ng pag-asa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 90 km sa North East ng Infanta, Quezon.

May lakas na lamang itong 55 kph at may pagbugsong 30-60 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 11 kph.

Dahil dito, nakataas na lang sa signal number 1 ang mga lugar sa Cagayan, Isabela, Ifugao, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Quirino, Aurora, Bulacan and Northern Quezon incl. Polillo Island. (Bagong Aurora Website ng Bayan News Team)

January 18, 2015

Signal Number 2 ang Aurora sa Bagyong Amang na Patuloy sa Paghina

by Bagong Aurora Website ng Bayan

amang_15011812BALER, Aurora-Patuloy umano sa paghina ang bagyong Amang dahil sa epekto ng hanging amihan.

Huling namataan ng Pag-asa ang sentro ng bagyo sa layong 35 km hilaga hilagang kanluran ng Daet, Camarines Norte.

May lakas na lamang itong 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Dahil dito, nakataas ang signal number 2 sa: Camarines Norte, Northern Quezon, kasama ang Polillo Island at Aurora.

Umiiral naman ang signal number 1 sa mga sumusunod na lugar: Camarines Sur, nalalabing bahagi ng Quezon, Marinduque, Batangas, Cavite, Laguna,Metro Manila, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Quirino at Isabela. (Bagong Aurora Website ng Bayan News Team)

January 18, 2015

Flash Report: 6 Anyos na Bata, Nalunod

by Bagong Aurora Website ng Bayan

Nelvie Broncate PhotoDINGALAN, Aurora-Naging malungkot ang pagsasaya ng isang magkakamag-anak matapos na maglaho ang isang bata na sinasabing nalunod kaninang alas onse Y’ medya ng umaga sa Brgy. Butas na Bato sa bayang ito.

Batay sa ipinaabot sa Bagong Aurora Website ng Bayan News Team, nagpunta sa JSC Beach Resort sa nasabing lugar ang magkakamag-anak na nagmula pa sa San Leonardo, Nueva Ecija para sa pababakasyon dahil kadarating lang ng tatay ng biktima galing sa abroad.

Sinasabing nasa pampang lamang ang 6 anyos na si King Joseph Cunanan kasama ang iba pang kamag-anak nito ng biglang nagkaroon ng paglakas ng alon at biglang tinangay ang biktima papunta sa hindi malamang direksiyon sa dagat.

Biglang dating umano ng malakas na alon na kung saan dahil sa lakas ng current nito ay naglahong parang bula ang bata matapos na lamunin ng alon.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation ng mga otoridad upang matagpuan ang bata. (Nelvie Broncate, CLMA News)