Libong Mamamayan, Binigyan ng Tulong ng Holy Place Pentecost Church

by Bagong Aurora Website ng Bayan

10338790_1554998094756787_3046331281882402343_nDINGALAN, Aurora-Matagumpay na nagbigay tulong sa libo-libong tao ang sekta ng Holy Place Pentecost Church Tabernacle Inc. na pinangunahan ni Mommy Ruth Sanchez ang may bahay ni Rev. Eustaquio Sanchez ang nagtatag ng naturang simbahan.

Ang programa ng simbahan ay isinasagawa kada-taon sa bayang ito na kung saan mahigit limang libong katao ang nabiyayaan ng tulong bilang Pamaskong Handog para sa publiko.

1781874_1554999438089986_4486320813732337032_nNakiisa sa nasabing palatuntunan ang ilang mga kilalang personalidad na lingkod bayan sa lalawigan ng Aurora na  sina Congresswoman Bellaflor Angara Castillo, Vice Gov. Rommel T. Angara, NYC Sherwin H. Taay, Bokal Cesar “Doc” Pimentel, Mayor Zenaida Padiernos, ang kinatawan ng Aurora Provincial Philippine National Police Office na si Provincial Director Elmer C. Bantog at maraming iba pa.

10457542_1554998884756708_7977854525424220924_nKasabay nito ang pagbibigay rin ng tulong ni CongressWoman Bellaflor Angara Castillo sa batang ulilang lubos na pinagkalooban niya ito ng Scholarship program.

Pinasalamatan ni Mayor Zenaida Padiernos si Mommy Ruth dahil sa walang sawang pagtulong nito sa mga mamamayang nangangailangan ng kalinga sa bayan ng Dingalan.

Todo rin ang pasasalamat ng mga taong nabiyayaan sa naging programa ng nasabing simbahan gayundin ang kanilang kagalakan dahil malaking tulong umano sa kanila ang ganitong aktibidad. 

Nagpaabot naman ng mensahe ng pasasalamat si Mommy Ruth sa publiko da hil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao.

Dasal din nito na nawa’y magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa ang mga namumuno hindi lamang sa bayan ng Dingalan kundi sa lalawigan ng Aurora. (Nelvie Broncate, CLMA News)

Disclaimer: The comments uploaded on this website do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "Bagong Aurora Website ng Bayan". All feedbacks sent to the site and all articles submitted to it are considered property of Bagong Aurora Website ng Bayan. Such feedback may be posted on the site or used in other mediums. If you wish to reproduce, republish, upload, post, transmit, modify, distribute or publicly perform or display material from this site, you must first obtain written permission from Bagong Aurora Website ng Bayan through its Publisher and/or Editor in Chief for reprinting and syndication costs and agreements. You may view and download material from this site for your personal, non-commercial home use only. The Bagong Aurora Website ng Bayan Columnist/s opinionated in this site redound to his/her own perspective only and not the whole group. Only the columnist/s are held liable in his own opinion for whatever he would like to emphasize. (Bagong Aurora Website ng Bayan, Editor-in-Chief )