Cara Y’ Cruz sa Dingalan, Tuluyan ng Ipinahinto

by Bagong Aurora Website ng Bayan

10933199_1554883494768247_2037681709_nDINGALAN, Aurora-Nangako na ang pulisya sa bayang ito na tuluyan ng ipapatigil at hindi na papayagan na muling makapag-operate ng Cara Y’ Cruz na sugal sa kanilang nasasakupan ang sinumang nasa likod nito.

Sa pahayag sa regular Session ng Sangguniang Bayan (SB) ni Police Inspector Desiree Buluag, bagong nakatalagang Deputy Chief of Police ng Dingalan PNP, inaksyunan na nila ang nasabing inirereklamo ng taong bayan matapos ipag-utos ni Mayor Zenaida Padiernos na patigilin ang illegal na operasyon ng sugalan.

Maging sa Social Media ay ginagawa itong isyu laban sa mga opisyales ng Dingalan.

Sa ngayon ay sinusubaybayan na ng Pulisya ang mga lugar na maaaring paglipatan ng mga nalululong sa karahan.

Aminado naman si ABC Pres. Luis Borreo na matagal na raw ang operasyon ng Cara Cruzan sa Dingalan dahil nakasanayan na ito lalo na kapag may piyesta sa bawat Barangay.

Nakakatulong daw ang nalilikom na pondo ng pasugalan kapag may okasyon. kaya ito pinapayagan.

Ayon naman kay PCL Pres. Shiela Taay, napapanahon na para baguhin ang nakaugaliang ito dahil talamak na ang nasabing sugal at marami ng pamilya ang naapektuhan nito.

Magugunitang umalma na ang publiko sa pamamayagpag ng nasabing sugal na ginagamit pa ang aktibidad ng simbahan para umano makaipon ng pondo.

Mariin namang kinondena at tinutulan ng mga alagad ng simbahang katoliko ang ginawang hakbang na ito ng mga pasimuno ng nasabing sugalan. (Nelvie Broncate, CLMA News)

Disclaimer: The comments uploaded on this website do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "Bagong Aurora Website ng Bayan". All feedbacks sent to the site and all articles submitted to it are considered property of Bagong Aurora Website ng Bayan. Such feedback may be posted on the site or used in other mediums. If you wish to reproduce, republish, upload, post, transmit, modify, distribute or publicly perform or display material from this site, you must first obtain written permission from Bagong Aurora Website ng Bayan through its Publisher and/or Editor in Chief for reprinting and syndication costs and agreements. You may view and download material from this site for your personal, non-commercial home use only. The Bagong Aurora Website ng Bayan Columnist/s opinionated in this site redound to his/her own perspective only and not the whole group. Only the columnist/s are held liable in his own opinion for whatever he would like to emphasize. (Bagong Aurora Website ng Bayan, Editor-in-Chief )