Archive for January 14th, 2015

January 14, 2015

PNP, Pagpapaliwanagin ng SB Dingalan Kaugnay sa Talamak na Cara Y’ Cruz

by Bagong Aurora Website ng Bayan

Nelvie Broncate PhotoDINGALAN, Aurora-Naririndi na ang Sangguniang Bayan (SB) ng Dingalan dahil sa mga reklamo at pambabatikos ng mamamayan laban sa illegal na sugalan sa nasabing bayan gamit ang social Media.

Iginiit ni Dingalan SB Presiding Officer, Vice Mayor Edgar Liu ang matinding pagtutol sa nasabing aktibidad.

Nagdesisyon ang SB na ipatawag sa kanilang regular na sesyon ngayon Huwebes ang Hepe ng Pulisya sa Bayan ng Dingalan na si Police Senior Inspector Rhoderic Bagunu upang pagpaliwanagin kung bakit hindi mapahinto ang illegal na sugalan.

Hiling ni Liu na pairalin sana ng tama ng mga alagad ng batas upang hindi naman maging kahiya-hiya sa paningin ng taong bayan.

Ikinatuwa naman ng mga netizen sa naging hakbang ng Pangalawang Punong Bayan at umaasang malulutas na ang hinaing ng publiko kaugnay sa talamak na sugalan sa Dingalan. (Nelvie Broncate, CLMA News)

January 14, 2015

PNP, Inatasang Pahintuin ang Illegal na Sugal sa Dingalan

by Bagong Aurora Website ng Bayan

CLMA LOGODINGALAN, Aurora-Inatasan ni Dingalan Mayor Zenaida Padiernos ang mga miyembro ng pulisya na pahintuin ang operasyon ng ilegal na karahan sa kanyang bayang nasasakupan.

Ito ang muling tugon ng Punong Bayan sa reklamo ng mamamayan laban sa ilegal na sugalang una na nitong ipinahinto sa brgy.Paltic na lumipat naman sa brgy.Aplaya.

Sa pamamagitan ng tawag sa Cellphone nitong Martes, ipinaliwanag ni Padiernos na hindi nito alam na lumipat lang ng brgy. ang ipinahintong operasyon ng cara y’ cruz.

Samantala kinumpirma naman ni Police Senior Insp. Rhoderic Bagunu, Chief of Police ng Dingalan PNP na huminto na ang inirereklamong sugalan sa nasabing bayan.

Apela ng opisyal na sana’y tuluyan ng tumigil ang operasyon ng ilegal na sugal sa bayan ng Dingalan upang maiwasan ang pagkaaresto sa mga sugarol na nalululong sa Cara Y’ Cruz.

Pahayag ni Bagunu, bago pa lang daw siya naitalaga bilang hepe ng pulisya sa lugar ay nagbabala na ito sa mga tumatangkilik at nag-ooperate ng sugalan.

Batid umano ng Opisyal kung sino ang protektor ng ilegal na karahan sa bayan ng Dingalan pero mas minabuti nitong huwag ng banggitin sa Media ang pagkakakilanlan nito. (Nelvie Broncate with reports from Ferdinand Pascual)