Problema sa Basura, Binibigyang Solusyon

by Bagong Aurora Website ng Bayan

10356019_802215773180750_6665735781228356873_nBALER, Aurora-Personal na pinag-aaralan ngayon ni Baler Mayor Nelianto “Pilot” C. Bihasa ang pamilihang bayan ng Baler kung paano mabibigyang solusyon ang malaking problema sa basura na inirereklamo ng mga nagtitinda at mga mamimili.

Sa pahayag ng ilang nakapwesto sa pamilihang bayan, nakakasuka na raw ang masangsang na amoy ng mga basura na ilang araw ng nakatambak doon.

10931114_802215803180747_6556155319799569792_nAyon sa Municipal Environment and Natural Resources ng nasabing bayan, bukod umano sa wala ng lugar na pwedeng pagtapunan ng mga basura na nagmumula sa iba’t-ibang brgy. ay hirap pa daw silang paghiwa-hiwalayin ang mga sukal na nabubulok at di nabubulok na dapat daw ay pinapraktis ng mga mamamayan.

Ayon naman kay Bihasa, sa ngayon ay sa tambakan muna ng basura ng Maria Aurora pansamantalang itatapon ang mga sukal ng Baler habang naghahanap pa ng lugar na pwedeng pagtapunan ang lokal na pamahalaan.

Nanawagan din si Bihasa na sa bahay pa lamang ay gawin na ang tamang paghihiwa-hiwalay ng mga basura upang tuluyan na itong masolusyunan. (Ferdinand Pascual)

Disclaimer: The comments uploaded on this website do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "Bagong Aurora Website ng Bayan". All feedbacks sent to the site and all articles submitted to it are considered property of Bagong Aurora Website ng Bayan. Such feedback may be posted on the site or used in other mediums. If you wish to reproduce, republish, upload, post, transmit, modify, distribute or publicly perform or display material from this site, you must first obtain written permission from Bagong Aurora Website ng Bayan through its Publisher and/or Editor in Chief for reprinting and syndication costs and agreements. You may view and download material from this site for your personal, non-commercial home use only. The Bagong Aurora Website ng Bayan Columnist/s opinionated in this site redound to his/her own perspective only and not the whole group. Only the columnist/s are held liable in his own opinion for whatever he would like to emphasize. (Bagong Aurora Website ng Bayan, Editor-in-Chief )