Midwife, Inirereklamo ng Isang Ginang na Nag-agaw Buhay

by Bagong Aurora Website ng Bayan

CLMA LOGOSAN LUIS, Aurora-Nalagay sa bingit ng kamatayan ang isang buntis matapos itong duguin sa panganganak sa Rural Health Unit sa bayang ito noong Disyembre dahil sa di’umanoy hindi maayos na serbisyo ng birthing clinic.

Ayon kay Donna Velasco ng Brgy. Ditumabo at sa mister nito, isang Nelda Iporac ang midwife na nagpaanak sa ginang ngunit ilang oras lang umano matapos ang delivery ay dinugo ang biktima kaya agad umano silang tumakbo sa Premier General Hospital Baler Branch.

Napag-alaman mula sa attending physician ng pagamutan na kaya dinugo ang biktima ay may naiwan na inunan sa bahay bata ng kapapanganak.

Ang inirereklamo ng mister nito na si Eugene bullozo ay ang malaking ginastos nila na umabot sa mahigit dalawampung libong piso na dapat sana’y hindi aabot ng ganito kalaki at baka malibre pa dahil mayroon silang Philhealth.

Pinaghandaan daw nila ito sa panahon ng pagbubuntis ni Velasco ngunit dahil sa kapabayaan ng mga ito ay muntik pang mag-agaw buhay ang ginang at lumaki pa ang kanilang gastos.

Sinubukang nating kunin ang panig ng kumadrona pero nagkataong wala ito sa clinic.

Maging si Municipal Health Officer Dra. Rosalilia Tangson ay tumanggi rin na magbigay ng pahayag. Ipapatawag na lang daw muna nito ang complainant bago ito magbigay ng pahayag sa media.

Nagbanta ang mister ng biktima na magdedemanda laban sa nagpaanak sa kanyang misis kung hindi maire-refund ang perang ibinayad nila sa Premiere Hospital.  (Ferdinand Pascual with reports from Cristalyn Pascual)

Disclaimer: The comments uploaded on this website do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "Bagong Aurora Website ng Bayan". All feedbacks sent to the site and all articles submitted to it are considered property of Bagong Aurora Website ng Bayan. Such feedback may be posted on the site or used in other mediums. If you wish to reproduce, republish, upload, post, transmit, modify, distribute or publicly perform or display material from this site, you must first obtain written permission from Bagong Aurora Website ng Bayan through its Publisher and/or Editor in Chief for reprinting and syndication costs and agreements. You may view and download material from this site for your personal, non-commercial home use only. The Bagong Aurora Website ng Bayan Columnist/s opinionated in this site redound to his/her own perspective only and not the whole group. Only the columnist/s are held liable in his own opinion for whatever he would like to emphasize. (Bagong Aurora Website ng Bayan, Editor-in-Chief )