Archive for January 7th, 2015

January 7, 2015

2.6M Halaga ng Bagong Gusali, Gagamitin na ng Pulisya

by Bagong Aurora Website ng Bayan

CLMA LOGOSAN LUIS, Aurora-Makalipas ang ilang dekadang pagtira sa isang maliit na himpilan ng pulisya sa bayang ito ay nakatakda na silang lumipat sa isang bagong gusali na inilaan ng pamahalaan para sa mga otoridad.

Ayon kay P/Insp. Floriano Garcia, hepe ng San luis PNP, ngayong buwan na ito ng Enero ay makakalipat sila sa bagong tayong gusali ng pulisya matapos na maayos ang pagpipintura at instilasyon ng kuryente.

2.6 milyong piso ang nagastos na pondo sa pagpapagawa ng naturang gusali at Dalawang milyong piso nito ay nagmula sa LGU-San luis.

Sa ngayon ay mayroong 38 tauhan na miyembro at apat na Non-Uniform Personnel ang San Luis Police Station. Kapag nakalipat daw sila sa bagong tayong gusali ay mapapabilis na ang mga transaksyon sa kanilang tanggapan. (Ferdinand Pascual with Reports from Cristalyn Pascual)

January 7, 2015

Midwife, Inirereklamo ng Isang Ginang na Nag-agaw Buhay

by Bagong Aurora Website ng Bayan

CLMA LOGOSAN LUIS, Aurora-Nalagay sa bingit ng kamatayan ang isang buntis matapos itong duguin sa panganganak sa Rural Health Unit sa bayang ito noong Disyembre dahil sa di’umanoy hindi maayos na serbisyo ng birthing clinic.

Ayon kay Donna Velasco ng Brgy. Ditumabo at sa mister nito, isang Nelda Iporac ang midwife na nagpaanak sa ginang ngunit ilang oras lang umano matapos ang delivery ay dinugo ang biktima kaya agad umano silang tumakbo sa Premier General Hospital Baler Branch.

Napag-alaman mula sa attending physician ng pagamutan na kaya dinugo ang biktima ay may naiwan na inunan sa bahay bata ng kapapanganak.

Ang inirereklamo ng mister nito na si Eugene bullozo ay ang malaking ginastos nila na umabot sa mahigit dalawampung libong piso na dapat sana’y hindi aabot ng ganito kalaki at baka malibre pa dahil mayroon silang Philhealth.

Pinaghandaan daw nila ito sa panahon ng pagbubuntis ni Velasco ngunit dahil sa kapabayaan ng mga ito ay muntik pang mag-agaw buhay ang ginang at lumaki pa ang kanilang gastos.

Sinubukang nating kunin ang panig ng kumadrona pero nagkataong wala ito sa clinic.

Maging si Municipal Health Officer Dra. Rosalilia Tangson ay tumanggi rin na magbigay ng pahayag. Ipapatawag na lang daw muna nito ang complainant bago ito magbigay ng pahayag sa media.

Nagbanta ang mister ng biktima na magdedemanda laban sa nagpaanak sa kanyang misis kung hindi maire-refund ang perang ibinayad nila sa Premiere Hospital.  (Ferdinand Pascual with reports from Cristalyn Pascual)

January 7, 2015

Pamahalaang bayan ng Baler, nagbukas ng Business-One-Stop-Shop

by Bagong Aurora Website ng Bayan
OLYMPUS DIGITAL CAMERABALER, Aurora-Binuksan nitong Lunes ng pamahalaang bayan ng Baler ang Business-One-Stop-Shop nito upang mapabilis ang pagpoproseso ng mga kukuha o magrerenew  ng Mayor’s Permit ngayong unang buwan ng 2015.
 
Ayon kay Mayor Nelianto Bihasa, matatagpuan ang tanggapan sa unang palapag ng Executive Building sa Municipal Plaza at ito ay bukas mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
 
Kabilang sa mga may desk rito ang Bureau of Fire Protection, Municipal Environment and Natural Resources Office, at Municipal Health Office.
 
Ito ay magtatagal hanggang ika-30 ng Enero. (Jojo S. Libranda)