Kolorum na Pamasadang Tricycle, Talamak sa Maria Aurora

by Bagong Aurora Website ng Bayan

CLMA LOGOMARIA AURORA, Aurora-Inirereklamo ngayon ng mga magulang, estudyante, mga pasahero at mga lehitimong namamasada sa bayang ito ang mga kolorum na tricycle na sobrang mamasada sa mga matataong lugar sa kanilang mga pilahan sa palengke, paaralan, munisipyo at iba pang lugar kung saan talamak na umano ang kanilang gawain.

Karamihan umano sa mga kolorum na namamasada ay mga wala pang lisensiya (driver’s license), MTOP, paso ang rehistro at mas nauuna pang sumingit sa pila ng mga samahan ng tricyle operators and drivers sa kabila ng mga ordinansa ng munisipyo at batas ng Land Transportation Office na itinatadhana ng nasabing mga tanggapan.

Hiling ng mga ito na nawa’y magpa-rehistro na lamang ang mga kolorum na namamasada sa munisipyo, gawing legal ang kanilang ginagawa gayundin sumapi sa mga samahan ng tricycle drivers at operators upang hindi naman masyadong maapektuhan ang kanilang hanapbuhay at maiwasan ang samaan ng loob.

Dagdag pa nila na panahon ngayon ng pagpaparehistro ng mga pamasadang sasakyan at kumuha na lang ng MTOP sa tanggapan ng Maria Aurora para makakuha ng Mayor’s Permit to Operate.

Apela naman ng mga pangulo ng samahan sa bayang ito na tulungan sila ng mga otoridad na masaway ang mga kolorum na namamasada at bigyan ng kaukulang disiplina upang hindi sila lubos na maapektuhan.

“Magsikap na lang silang gawing legal ang pamamasada para hindi naman sumama ang loob namin. Sana tumulong ang munisipyo at kapulisan para malutas itong talamak na pumapasadang kolorum na tricycle. Isa pa po, nagbabayad kami tapos sila namamayagpag sa pamamasada, lugi naman po kami,” pahayag ng isang tricycle driver na hindi na nagpabanggit ng kanyang pangalan.

Sa kabilang banda, naniniwala naman ang mga tricycle driver na mabilis itong aaksiyunan ng mga kinauukulan sa lalong madaling panahon. (Bagong Aurora Website ng Bayan News Team)

Disclaimer: The comments uploaded on this website do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "Bagong Aurora Website ng Bayan". All feedbacks sent to the site and all articles submitted to it are considered property of Bagong Aurora Website ng Bayan. Such feedback may be posted on the site or used in other mediums. If you wish to reproduce, republish, upload, post, transmit, modify, distribute or publicly perform or display material from this site, you must first obtain written permission from Bagong Aurora Website ng Bayan through its Publisher and/or Editor in Chief for reprinting and syndication costs and agreements. You may view and download material from this site for your personal, non-commercial home use only. The Bagong Aurora Website ng Bayan Columnist/s opinionated in this site redound to his/her own perspective only and not the whole group. Only the columnist/s are held liable in his own opinion for whatever he would like to emphasize. (Bagong Aurora Website ng Bayan, Editor-in-Chief )