Ina ng 3 Anyos na Biktima ng Hit-and-Run, Humihingi na ng Tulong sa Publiko

by Bagong Aurora Website ng Bayan

BALER, Aurora-Patuloy na humihingi ng tulong sa publiko ang ina ng 3 anyos na paslit na naging biktima ng hit-and-run nitong bisperas ng bagong taon sa driver ng van at driver ng motorsiklo na magpakilala upang mabigyan ng katarungan ang anak nito na agad namatay matapos ang insidente.

Naganap umano ang pangyayari dakong alas singko y media ng hapon sa Brgy. Reserva, Baler, Aurora ng December 31, 2014, matapos utusan ang 14 anyos na  kapatid nito na si Winlove Rubio na bumili ng gasolina gamit ang isang tricycle kung saan sumakay ang iba pang mga kapatid  na pawang mga bata, edad labing tatlo (Lovie Rubio), isang taon (Ryza  Mae Rubio) at tatlong taong gulang na si Princes Angel na nagtamo ng malubhang pinsala matapos tumilapon dahil sa lakas umano ng pagkakabangga.

Ayon sa nakatatandang kapatid na driver ng tricycle, nabundol ang hulihang bahagi ng kanilang sasakyan matapos mag-overtake ang isang kulay pulang van na hindi nakuha ang plate number kung saan tumilapon ang mga biktima at nabangga din  ng kasalubong na motorsiklo na parehong hindi na huminto sa pagtakbo ng kanilang mga sasakyan.

Sa tulong ng mga concerned citizens agad naisugod sa Aurora Memorial Hospital ang mga biktima subalit doon na binawian ng buhay ang kaawa-awang biktima.

“Sana naman matulungan po kami sa kung sinuman ang nakakaalam ng pangyayari upang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng aming anak at ng mapanagutan ng mga nakatagis ang nangyaring ito sa pamilya namin. Makonsensiya naman po sana ang taong nakakaalam nito,” panaghoy nitong paliwanag sa Bagong Aurora Website ng Bayan.

Kaugnay nito, positibo naman ang mga kapulisan na sa tulong ng CCTV na malapit sa pinangyarihan ay matutukoy din kung sino ang dapat managot sa naturang pangyayari. (Leonilo Beltran)

Disclaimer: The comments uploaded on this website do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "Bagong Aurora Website ng Bayan". All feedbacks sent to the site and all articles submitted to it are considered property of Bagong Aurora Website ng Bayan. Such feedback may be posted on the site or used in other mediums. If you wish to reproduce, republish, upload, post, transmit, modify, distribute or publicly perform or display material from this site, you must first obtain written permission from Bagong Aurora Website ng Bayan through its Publisher and/or Editor in Chief for reprinting and syndication costs and agreements. You may view and download material from this site for your personal, non-commercial home use only. The Bagong Aurora Website ng Bayan Columnist/s opinionated in this site redound to his/her own perspective only and not the whole group. Only the columnist/s are held liable in his own opinion for whatever he would like to emphasize. (Bagong Aurora Website ng Bayan, Editor-in-Chief )