Archive for January 6th, 2015

January 6, 2015

Regalong Skills Training sa Residente ng Villa Aurora, Ipinagkaloob

by Bagong Aurora Website ng Bayan

10696350_403933443097540_4964335560985208526_nMARIA AURORA, Aurora-Ipinagkaloob  ang libreng skills training sa mga residente ng Bgy. Villa, Maria  Aurora bilang regalong handog nitong nagdaang pasko sa pamamagitan ng pagsasama sama ng ibat-ibang sektor sa Aurora sa pangunguna ng DZJO 101.7 Spirit FM ng Catholic Media Network at ng Skills Caravan Movement Philippines, isang Non-Government Organization (NGO) na nagsasagawa ng mga pagsasanay sa mga Out of School Youth at walang hanapbuhay.

Ito ay bilang bahagi din ng paggunita sa ika-10 taon ng malagim na landslide na bumura sa Brgy Villa at kumitil ng 12 katao.

Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng motorcade patungo sa gitna ng kabundukan kung saan naroroon ang  naturang lugar at sinundan ng tree planting activity katuwang ang Departmant of Environment and Natural Resources, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection at  iba pang mga sektor.

IMG_3277Sa huli, ang Skills Training na nagsilbing malaking impact naman sa mga mamayan na walang pinagkakakitaan at  nakapagbukas naman sa bagong oportunidad  upang magkaroon ng bagong hanapbuhay sa halip na pagkakaingin,pag uuling na syang pangunahing sanhi ng baha at landslide sa mga kabundukan.

IMG_3384Nakatakdang isagawa ang pagtatapos ng mga nagsanay sa darating na biyernes, January 9, 2014 kasabay ng pag-gawad ng solar power system sa Elementary school at high school na pawang walang kuryente sa matagal ng panahon.

IMG_3447Umaasa naman ang mga organizer at ang taga-pagsanay ng Skills Caravan Movement Philippines Incorporated (Leonilo Beltran at partner-Solar Project Initiative Mr. Frederick Epistola) na makakakuha pa ng mga sponsors upang madagdagan ang solar power system donation para mas higit na mapaliwanagan ang buong paaralan. (Leonilo Beltran with Reports from the Central Luzon Media Association)

January 6, 2015

ANGARA WANTS TO MANDATE BANGSAMORO STUDIES TO FOSTER LASTING PEACE IN MINDANAO

by Bagong Aurora Website ng Bayan
senator sonny angara photo fileMANILA-To promote a culture of peace in the country, Senator Sonny Angara has filed a bill that seeks to mandate the inclusion of Bangsamoro history, culture and identity in the curricula of all levels in all schools in the country, starting in Mindanao.
 
“Peace roots from an understanding of the multi-cultural nature of Mindanaoans—of Christians, Muslims and Lumads alike. Improving such understanding of each other’s historical, social and cultural values lays the foundation for mutual respect and unity in Mindanao,” Angara said.
 
The senator stressed that one way of effectively instilling further understanding of Bangsamoro history, culture and identity in the minds of the youth is by including such subjects in the education system.
 
Angara noted that the roots of the Christian-Muslim conflict in the Philippines can be traced to as early as the 16th century, where Spanish colonizers were successful in using Christianity as a tool of conquest and reducing the Muslim group to a national minority.
 
“Some contend that this part of our history was where the seeds were planted for relentless biases against Muslim-Filipinos. Sadly, these biases persist today,” he lamented.
 
Under Senate Bill No. 2474, among the key contents of Bangsamoro studies include an understanding of the roots of the conflict and its impact on the rest of the country, the appreciation of the various cultures and ethnic identities, and support for the broader Mindanao peace process and promotion of intercultural dialogue.
 
“Such a curriculum ought to recall and highlight the positive relations among the Muslims, Christians, Lumads and other indigenous peoples in Mindanao, as well as their common origins and other points of commonality,” the lawmaker said.
 
The proposed measure mandates the Department of Education (DepEd) and the Commission on Higher Education (CHED) to initiate and maintain the programs, and to consult recognized experts on Bangsamoro history, culture and identity in the formulation and creation of courses or subjects.
 
The DepEd and CHED will also allow the teaching of Arabic language as an elective course.
 
“Education is crucial to the peace process in Mindanao. Such a grassroots approach is effective in instilling consciousness and understanding of the Muslim culture, especially for the Christian majority of our country—to possibly eradicate certain biases instilled in the minds of individuals. It is our hope that through these efforts, long-lasting peace will be fully realized,” Angara said.
January 6, 2015

Ina ng 3 Anyos na Biktima ng Hit-and-Run, Humihingi na ng Tulong sa Publiko

by Bagong Aurora Website ng Bayan

BALER, Aurora-Patuloy na humihingi ng tulong sa publiko ang ina ng 3 anyos na paslit na naging biktima ng hit-and-run nitong bisperas ng bagong taon sa driver ng van at driver ng motorsiklo na magpakilala upang mabigyan ng katarungan ang anak nito na agad namatay matapos ang insidente.

Naganap umano ang pangyayari dakong alas singko y media ng hapon sa Brgy. Reserva, Baler, Aurora ng December 31, 2014, matapos utusan ang 14 anyos na  kapatid nito na si Winlove Rubio na bumili ng gasolina gamit ang isang tricycle kung saan sumakay ang iba pang mga kapatid  na pawang mga bata, edad labing tatlo (Lovie Rubio), isang taon (Ryza  Mae Rubio) at tatlong taong gulang na si Princes Angel na nagtamo ng malubhang pinsala matapos tumilapon dahil sa lakas umano ng pagkakabangga.

Ayon sa nakatatandang kapatid na driver ng tricycle, nabundol ang hulihang bahagi ng kanilang sasakyan matapos mag-overtake ang isang kulay pulang van na hindi nakuha ang plate number kung saan tumilapon ang mga biktima at nabangga din  ng kasalubong na motorsiklo na parehong hindi na huminto sa pagtakbo ng kanilang mga sasakyan.

Sa tulong ng mga concerned citizens agad naisugod sa Aurora Memorial Hospital ang mga biktima subalit doon na binawian ng buhay ang kaawa-awang biktima.

“Sana naman matulungan po kami sa kung sinuman ang nakakaalam ng pangyayari upang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng aming anak at ng mapanagutan ng mga nakatagis ang nangyaring ito sa pamilya namin. Makonsensiya naman po sana ang taong nakakaalam nito,” panaghoy nitong paliwanag sa Bagong Aurora Website ng Bayan.

Kaugnay nito, positibo naman ang mga kapulisan na sa tulong ng CCTV na malapit sa pinangyarihan ay matutukoy din kung sino ang dapat managot sa naturang pangyayari. (Leonilo Beltran)

January 6, 2015

Pambabatikos sa mga Programa sa Pamahaan at Usaping Pampulitika sa Homily, Mas Ayaw ng Publiko

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdzBALER, Aurora-Hindi dapat gamitin ng ilang mga kaparian sa kanilang homiliya sa banal na misa ang pambabatikos sa mga programa ng pamahalaan at usaping pampulitika ayon sa publiko na nakiisa sa programang Hataw Balita segment sa opinyon ng bayan nitong Lunes.

62% ng mga texter ang nagsabing hindi daw makatuwirang tuligsain ng pari sa kanyang sermon ang sino man dahil moral at ispiritwal lang anila dapat nakatuon ang aral at turo ng simbahan.

Payo pa ng publiko na hindi din dapat nagagamit ang sagradong simbahan para mambatikos na nagiging dahilan upang makasakit sa damdamin ng iba. Dahil sa ginagawang ito, ang iba ay hindi na nagsisimba at lumilipat na ng ibang relihiyon.

38% naman ang nagpayo na tama lang ang ganitong sistema dahil ito lang ang pagkakataon para isiwalat ang kanilang mga puna upang mamulat ang taong nagsisimba sa mga isyu at kaganapan sa lipunan at Pulitika. (Ferdinand Pascual)

January 6, 2015

Kolorum na Pamasadang Tricycle, Talamak sa Maria Aurora

by Bagong Aurora Website ng Bayan

CLMA LOGOMARIA AURORA, Aurora-Inirereklamo ngayon ng mga magulang, estudyante, mga pasahero at mga lehitimong namamasada sa bayang ito ang mga kolorum na tricycle na sobrang mamasada sa mga matataong lugar sa kanilang mga pilahan sa palengke, paaralan, munisipyo at iba pang lugar kung saan talamak na umano ang kanilang gawain.

Karamihan umano sa mga kolorum na namamasada ay mga wala pang lisensiya (driver’s license), MTOP, paso ang rehistro at mas nauuna pang sumingit sa pila ng mga samahan ng tricyle operators and drivers sa kabila ng mga ordinansa ng munisipyo at batas ng Land Transportation Office na itinatadhana ng nasabing mga tanggapan.

Hiling ng mga ito na nawa’y magpa-rehistro na lamang ang mga kolorum na namamasada sa munisipyo, gawing legal ang kanilang ginagawa gayundin sumapi sa mga samahan ng tricycle drivers at operators upang hindi naman masyadong maapektuhan ang kanilang hanapbuhay at maiwasan ang samaan ng loob.

Dagdag pa nila na panahon ngayon ng pagpaparehistro ng mga pamasadang sasakyan at kumuha na lang ng MTOP sa tanggapan ng Maria Aurora para makakuha ng Mayor’s Permit to Operate.

Apela naman ng mga pangulo ng samahan sa bayang ito na tulungan sila ng mga otoridad na masaway ang mga kolorum na namamasada at bigyan ng kaukulang disiplina upang hindi sila lubos na maapektuhan.

“Magsikap na lang silang gawing legal ang pamamasada para hindi naman sumama ang loob namin. Sana tumulong ang munisipyo at kapulisan para malutas itong talamak na pumapasadang kolorum na tricycle. Isa pa po, nagbabayad kami tapos sila namamayagpag sa pamamasada, lugi naman po kami,” pahayag ng isang tricycle driver na hindi na nagpabanggit ng kanyang pangalan.

Sa kabilang banda, naniniwala naman ang mga tricycle driver na mabilis itong aaksiyunan ng mga kinauukulan sa lalong madaling panahon. (Bagong Aurora Website ng Bayan News Team)

January 6, 2015

Pasada ng mga Pampublikong Van at Bus, Balik na sa Normal

by Bagong Aurora Website ng Bayan

CLMA LOGOBALER, Aurora-Nagbalik na sa normal kahapon ang biyahe ng mga Van at Bus sa sa bayang ito matapos ang apat na araw na todong pamamasada ng mga ito simula noong bagong taon.

Ayon sa mga dispatcher ng Baler Transport Terminal, hindi na sila ngayon hirap sa pag-aasikaso sa mga mamamayan sa Aurora na nagnanais na makabiyahe palabas ng lalawigan.

Magugunitang dumagsa ang napakaraming biyahero sa mga terminal ng Van at bus sa bayang ito nitong nakaraang araw na kung saan nag-aagawan ang mga ito sa pila ng sasakyan upang makaalis kaagad at makauwi sa labas ng lalawigan samantalang ang iba ay natulog na sa terminal upang makasakay agad sa sinumang mauunang aalis na pampasaherong sasakyan.

Madami ring mga kolorum na sasakyan ang nagsakay at namasada nitong nagdaang mga araw samantalang ang iba ay nag-arkila na ng mga Van.

Depensa naman ng mga kolorum na namamasada, hindi na kayang suportahan ng mga lehitimong pampasaherong sasakyan ang biglaang pagdagsa ng mga tao kaya tumulong na lamang sila para makauwi ng mas maaga ang mga biyahero. (Bagong Aurora Website ng Bayan News Team)