DINGALAN, Aurora-Nangako si Dingalan Mayor Zenaida Padiernos na ipatitigil na niya ang talamak na operasyon ng Cara Y cruz sa Brgy. Paltic sa bayang ito matapos ireklamo ng isang concern citizen ang pamamayagpag ng sugal sa nasabing barangay.
Ayon kay Jose Dela Torre (Di-Tunay na Pangalan), dapat ng ipatigil ang nasabing sugal dahil mismong mga kabataan at mga tatay na ang nahuhumaling dito.
Kwento nito, nagsasanla na ng sasakyan at gamit ang kanyang mga kababayan para lamang may ipangsugal at karamihan sa mga ito ay baon na sa utang kung kaya’t sariling pamilya na nila ang higit na apektado.
Paliwanag ni Police Senior Inspector Rhoderick Bagunu, hepe ng Dingalan PNP, matagal na raw niya itong ipinahinto subalit nababalewala dahil may ilang mga matataas na opisyal ng gubyerno ang pasimuno nito.
Nanindigan naman si Padiernos na kanya agad aaksyunan ang nasabing hinaing upang matigil na ng tuluyan ang illegal na sugalan sa kanyang bayan. (Nelvie Broncate, CLMA News)
You must be logged in to post a comment.