Archive for July 29th, 2014

July 29, 2014

Parts of NE, Aurora to experience 11-hour power interruption on Wednesday

by Bagong Aurora Website ng Bayan

NGCP logoBALER, Aurora-Parts of Nueva Ecija and Aurora will experience up to 11 hours of power interruption on Wednesday, July 30, 2014.

“Customers of NEECO II-Area 1, NEECO II-Area 2, and AURELCO will have outage from 7:00AM to 6:00PM,” National Grid Corporation of the Philippines Central Luzon Corporate Communication and Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal said.

Affected are the towns of Talavera, General Natividad, Llanera, Bongabon, Gabaldon, Laur, Rizal and Palayan City in Nueva Ecija as well as the municipalities of Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Baler, and Dipaculao in Aurora.

“Reasons of brownout is to facilitate maintenance works along Cabanatuan-Baler 69kV line. Normal operations will immediately resume after work completion,” Vidal added. (Jojo S. Libranda)

July 29, 2014

Mayor Padiernos, Humingi na ng Tulong sa Pagresolba sa Problema ng kanyang mga Kababayan at Green Square Corporation

by Bagong Aurora Website ng Bayan

Nelvie Broncate PhotoBALER, Aurora-Personal na lumapit kay Gov. Gerardo Noveras si Dingalan- Mayor Zenaida Padiernos upang humingi ng tulong para resolbahin ang gusot sa pagitan ng Green Square Corporation at mga residente ng brgy. Matawe, Ibuna, Umiray, Dingalan, Aurora at kabilang din ang Umiray General Nakar Quezon.

Ang nasabing paglapit kay Noveras ay may kaugnayan sa diumano’y pang-gigipit ng Green Square Corporation na pag-aari ni Atty. Romeo Roxas sa mga naninirahan sa mga naturang lugar.

Partikular na inirereklamo ng mga ito ang Checkpoint at pagbabawal ng kumpanya na makapasok ang proyekto para sa irigasyon ng National Irrigation Administration (NIA).

Maging ang pagpasok ng mga materyales sa pagpapagawa ng kanilang mga kabahayan ay ipinagbabawal na rin at ang kalsadang kinatatayuan ng Checkpoint na matagal na raw kinikilalang Provincial Road dahil bilyong piso na pondo na ang ginagastos ng pamahalaan para sa maintenance nito. Kasama din sa kanilang reklamo ang pag-claim ni Atty. Roxas sa mga lupain na sinasabing may mga CLOA-Holders.

Ayon sa mga residente, isang uri umano ito ng paglabag sa karapatang pantao na tila raw sinasakal na sila sa leeg at walang nang kalayaang gumalaw sa kanilang lugar.

Bilang tugon ni Noveras, pinag-aaralan na ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa hukuman ng lalawigan laban sa nasabing kumpanya.

Wala pang impormasyon kung ano ang mga hakbang na gagawin para patigilin ang ginagawang panggigipit ng nasabing kumpanya.

Paki-usap naman ng alkalde sa bayan ng Dingalan na maging mahinahon ang bawat isa lalo na ang mga residenteng higit na naapektuhan.

“Mas makakabuti kung aaksyunan ito ng legal at sa maayos na pamamaraan,” pahayag ni Padiernos.

Lumapit na rin si Padiernos kay Vice Gov. Rommel Angara ukol sa isyu at nagsabing may ginagawa ng aksyon ang Sangguniang Panlalawigan.

Kaugnay nito, sinikap na makapanayam ng mga Media si Atty. Roxas upang makunan ng panig subalit tumanggi itong magbigay ng pahayag sa hindi malinaw na dahilan. (Nelvie Broncate)