Archive for July 24th, 2014

July 24, 2014

Ground Breaking Ceremony ng TESDA-Aurora, patungo sa pag-unlad ng mga mag-aaral

by Bagong Aurora Website ng Bayan

10400875_336355286522023_7747284274943374728_nBALER, Aurora-Ginawa ang Ground Breaking Ceremony ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Aurora nitong Martes, ika-22 ng Hulyo, sa Old Public Market, Barangay Buhangin, Baler, Aurora.

Dumalo ang Regional Director ng TESDA Region III na si Regional Director Teodoro M. Gatchalian, si Governor Gerardo A. Noveras, Baler Mayor Nelianto C. Bihasa, Aurora Technical-Vocational Association President Engr. Jaime S. Gose  at Baler Vice Mayor Karen Angara-Ularan bilang mga panauhing pandangal.

10574244_336354973188721_7986733627274093888_n“Inaanyayahan ko po kayong mag-aral upang umunlad ang inyong buhay at hindi maging pabigat. Maganda ang layunin ng TESDA sa pagpapatayo ng gusali para sa kanilang bagong tanggapan”, sabi ni Governor Noveras sa kanyang mensahe sa mga mag-aaral na dumalo.

Sinabi naman ni TESDA Region 3 RD Gatchalian na ang “TESDA ay isang institusyon na nagbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral na magagamit nila kinalaunan. Pwede silang makatapos ng kursong teknikal at magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap na maaaring makapag-ahon sa kanila sa kanilang kahirapan”.

Dumalo at sinaksihan ng mga mag-aaral mula sa Aurora State College of Technology (ASCOT), TESDA, Lyceum of the East (LEA)-Aurora, People Empowerment and Advancement Center for Employment (PEACE) at iba pa. (Jojo S. Libranda)

July 24, 2014

Vice Mayor Angara-Ularan: Walang prangkisang tricycle sa Baler, magparehistro na

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ordinance number 16BALER, Aurora-Muling nagbigay paalala ang tanggapan ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Baler Vice Mayor Karen Angara-Ularan sa lahat ng mga driver at operators na walang prangkisa o hindi pa nakakapag-renew ng kanilang MTOP na mahigpit na pinatutupad sa bayang ito ang Baler Ordinance No. 016 – 2014.

Sa bagong ordinance ay mai-impound ang mga illegal na tricycle at magbabayad pa ng P2,500 pesos ang sinumang mahuhuling driver o operator ng tricycle.

Sinabi ni Angara-Ularan na sana ay magsilbing aral sa lahat ang mga na-impound na tricycle dahil sa hindi pagsunod sa ordinansa. Patuloy ang paghihikayat ng kanilang tanggapan na mag-renew o magpa-rehistro ng tricycle na pamasada ang mga may-ari ng tricycle sa bayan ng Baler.

Patuloy na magsasagawa ng operasyon ang mga otoridad upang hulihin ang mga walang kaukulang dokumento sa pamamasada sa bayang ito at pagbabayarin ng P300 para sa pag-apply ng prangkisa, dagdag ni Angara-Ularan.

Pinasasalamatan naman ng Vice Mayor ang mga tricycle drivers at mga operators na maagang sumunod sa kautusan at sa mga requirements na itinatadhana ng nasabing ordinansa. (Jojo S. Libranda)

July 24, 2014

ANGARA: MAKE BUDGETARY PROCESS MORE TRANSPARENT, ACCESSIBLE TO PUBLIC

by Bagong Aurora Website ng Bayan
CLMA LOGOMANILA-Senator Sonny Angara on Thursday emphasized the need to make the budgetary process more transparent and accessible to the public in light of recent scandals on the use of people’s money that are hounding the government.
 
Angara pointed out that the common thread he sees in Senate investigations on the fertilizer fund, priority development assistance fund (PDAF) and the disbursement acceleration program (DAP) is that “there are enormous lump sums, which is public money, that the public is unaware of how they were used.”
 
“Mayroon po ba tayong trust-building o confidence-building program para maibalik at maipagpatuloy ang tiwala ng taumbayan sa proseso ng pagba-budget? Parang napakalayo ng taumbayan sa proseso. Wala ba tayong naiisip na reporma going forward?” Angara asked Budget Secretary Florencio Abad during the Senate hearing on DAP.
 
Abad said that at present, the Department of Budget and Management enters into budget partnership agreements with various stakeholders.
 
Abad cited as an example the national greening program of the Department of Environment and Natural Resources where they have an agreement with environmentalists that they can join in the discussion of the program’s budget.
 
The same goes with other departments, the secretary said.
 
Abad also suggested the process of automating or digitizing the work of government so human intervention is addressed.
 
“Ito ho sa palagay ko ay isang mabilisang paraan para alam ng tao kung anong nangyayari at pwede pa siyang makialam. Papayag ho kami na usisain nang usisain ang bawat ahensiya nang sa ganun maalis ang lahat ng lump sum sa budget,” he said.
 
Angara said they are willing to work with the executive department to introduce these reforms.
 
“May kasabihan nga na ‘sunshine is the best disinfectant’ o pinakamabisang pamatay ng mikrobyo. I think that principle must be furthered in the budgeting process kasi ang tingin talaga ng mga tao ang hirap sundan ng pera. Hindi nila masundan kung saan napupunta,” the neophyte senator said.
 
The lawmaker also said it is high time to reexamine Presidential Decree 1177, signed by President Ferdinand Marcos, and Executive Order 292, signed by President Cory Aquino, in light of recent developments.
 
“These laws were not subject to a democratic discussion, so to speak. I think it is about time that we look at how we spend and budget the people’s money. I think we can do a better job especially now in the age of crowdsourcing, in the age of Internet. 
 
“Talagang napakarami na pong sources of information and we’re still sticking to these two really ancient and archaic laws based on the signatures of just two people,” Angara concluded.
July 24, 2014

Padiernos, Tikom ang Bibig sa Isyu sa Usapin sa Lupa ng Green Circle Corporation at sa Kanyang mga Kababayan

by Bagong Aurora Website ng Bayan

checkpoint ng green square corporationDINGALAN, Aurora-Nananatiling tikom ang bibig ni Dingalan Mayor Zenaida Padiernos hinggil sa isyu ng di-umano’y pag-angkin ng Green Circle Corporation na pag-aari ng isang Atty. Romeo Roxas sa tatlong brgy. ng Sounthern part sa bayang ito.

Ayon kay Padiernos, hindi pa siya handang sumagot sa isyung pag-angkin ng nasa 28 libong ektaryang lupain sa kanyang bayang pinamumunuan.

Umaasa kasi ang mga apektadong residente doon na bibigyang proteksyon sila ng lokal na pamahalaan laban sa kumpanya na di-umano’y nagnakaw ng karapatan sa kanila para lalong paunlarin ang kanilang mga lupain. Sa umpisa  pa lang anila ay pinayabong na ng mga naninirahan  ang kani-kanilang mga lugar.

Anila, mas lalo pa raw natapakan ang kanilang mga karapatan matapos maglagay ng Check point ang nasabing kumpanya sa bukana ng lupain na naging dahilan para maantala maging ang paghahanapbuhay ng taong brgy. Pinipigilan umano sila na magpasok at maglabas ng kanilang mga kalakal.

Naghihintay pa rin ang mga residente sa lugar na aaksyunan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang nasabing problema ng mamamayan sa nasabing bayan pero tila wala silang nakikitang aksyon mula sa mga kinauukulan.

Sana naman daw ay hindi nasuhulan ang mga halal ng bayan para ipaglaban ang karapatan ng mamamayang nagtiwala at inaasahang maglilingkod at magtatanggol sa taumbayan.

Magugunitang nagpahayag si Aurora Governor Gerardo Noveras na hindi niya kikilalanin bilang pag-aari ng isang pribadong kumpanya ang nasabing lupain habang ito pa daw ang Gobernador ng Aurora.

Iginiit din ni Noveras na ang inaangking lupain sa bayan ng Dingalan ay para sa mamamayan dahil ito daw ay pag-aari ng Lalawigan ng Aurora. (Ferdinand Pascual)

July 24, 2014

Walang illegal na Kahoy na Nakakalabas ng Aurora-DENR

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Nanindigan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na walang mga illegal na kahoy ang nakakalabas sa lalawigan ng Aurora.

Sa Programang Punto De Bisto, iginiit ni DENR-Baler CENRO Raul Batang na mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga Check-point  kaya’t malabo umano na makapaglabas ng mga ilegal na kahoy sa lalawigan ng Aurora ang mga timber poachers.

Pinabulaanan nito na may nakalalabas na ilegal na kahoy sa bawat Checkpoint dahil bukod umano sa DENR ay naroon din naman ang mga miyembro ng PNP at ilang kawani ng kapitolyo para magbantay sa mga pumapasok at lumalabas ng lalawigan.

Payo ni Batang sa mga Concern Citizens,  kung may makikitang nagpuputol at nagbabalak magpuslit ng ilegal na kahoy ay ipagbigay alam lamang kaagad sa kanilang tanggapan.

Pero dapat daw na suriin munang mabuti dahil baka naman ito ay mga Coco-lumber o mga planted trees gaya ng mga puno ng mahogany at gimelina na binibigyan ng permiso para putulin at magamit ng taong bayan. (Ferdinand Pascual)

July 24, 2014

Isyu kay P’noy sa DAP, 70% Nagsabing Walang Basehan

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Naniniwala ang maraming naninirahan sa Aurora na hindi nangurakot mula sa pondo ng Disbursement Acceleration Program (DAP) si Pangulong Aquino na kung saan 70% ng mga texters sa opinyon ng bayan sa Hataw Balita ang nagsabing walang basehan na may anumalya sa paggamit nito dahil nagamit ang pondo para sa kapakanan ng taong bayan.

Pero ayon sa natitirang 30% texters, walang kasiguruhan kung sa taong bayan o sa bulsa ng pulitiko napunta ang naturang pondo.

Anila, hindi raw tamang hilingin ni Pangulong Aquino na ikonsidera ng Korte Suprema ang kanilang desisyon ukol sa legalidad ng DAP.

Palusot lamang daw ito ng pangulo para pagtakpan ang isyung kinasasangkutan.

Una nang idineklara ng korte suprema na unconstitutional ang DAP na tulad din ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas. (Ferdinand Pascual)

July 24, 2014

Karnap na Motorsiklo, Nabawi ng PNP

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Nabawi na ng mga elemento ng Baler PNP ang isang kulay pulang motorsiklo na pinaniniwalaang kinarnap habang nakaparada sa isang kalye.

Ang delta 100 na Rusi na motorsiklo ay narekober sa bahagi ng brgy. Sabang nitong Linggo at naibalik na sa may-ari.

Sa report ng pulisya, naglaho umano ang motorsiklo  nitong Biyernes habang kasalukuyang nakikipag-inuman ang biktimang may-ari na si Jerone Omaña residente ng brgy. Suklayin.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Pulisya para alamin kung sino ang may kagagawan sa naturang insidente. (Ferdinand Pascual)

July 24, 2014

DENR versus illegal Loggers, Paigtingin

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Umaapela ang publiko sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Aurora na paigtingin ang pagbabantay sa kabundukan at pagpigil sa mga illegal na pangangahoy sa lalawigan.

Ayon sa mga nakiisa sa Opinyon ng bayan sa programang hataw balita, manghuli man nang manghuli ang ahensya ng illegal loggers ay nabubulok din ang mga nakumpiskang kahoy kayat hindi napapakinabangan.

Iminungkahi ng ilan sa mga texters na bigyan ng alternatibong pangkabuhayan ang mga sangkot dito para matigil umano ang pamumutol ng kahoy.

Giit nila, hindi dapat magningas kugon ang DENR sa pagpapatupad ng batas dahil sila umano ang pangunahing may responsibilidad sa pagbabantay sa kabundukan. (Ferdinand Pascual)

July 24, 2014

Green Square Corporation Checkpoint, Tinututulan ni Noveras

by Bagong Aurora Website ng Bayan

10409855_1455913051331959_753714301_nBALER, Aurora-Tutol si Aurora Governor Gerardo Noveras sa Checkpoint na inilagay ng Green Square Corporation na sinasabing pag-aari ng isang Atty. Romeo Roxas na inirereklamo ng mga residente sa loob ng nasasakupang lupain na may dalawamput siyam na ektarya ang sukat.

Nagtataka daw ang Gobernador kung bakit pag may mga proyekto sa lugar ang panlalawigang pamahalaan ay hindi umano hinaharangan sa nasabing Check Point.

Maging ang Proyekto doon ng National Irrigation Administration (NIA) ay naantala na rin dahil sa hindi pagpapa-pasok ng nasabing kumpanya.

Sinabi ni Noveras na walang karapatan ang sinuman na pigilin ang pagpapatayo ng imprastraktura ng gubyerno lalo na kung ang proyekto ay sa ilog at ang makikinabang ay ang mamamayan.

Umalma kasi ang mga residente sa mga Brgy. ng Matawe, Ibuna, Umiray, Dingalan at Umiray-General Nakar, Quezon dahil maging ang pansarili daw nilang materyales sa pagpapagawa ng bahay ay hinaharang sa nasabing Checkpoint.

Samantala, iginiit ni Noveras na pag-aari pa rin ng Gubyerno ang nasabing lupain at hindi niya ito kikilalanin bilang pribadong pagmamay-ari ng Green Square Corporation habang siya pa daw ang nanunungkulan bilang Gobernador ng Aurora. (Ferdinand Pascual)