Archive for July 23rd, 2014

July 23, 2014

Land Bank ATM Machine, Ikakalat sa 4 na Bayan

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Ikakalat sa apat na bayan ng Land Bank of the Philippines (LBP) ang kanilang Automated Teller Machine (ATM) upang makapagbigay ng lubos na serbisyo sa publiko sa Central Aurora.

Target ng bangko na makapaglagay ng mga ATM sa bawat sulok ng mga bayan ng Baler, San Luis, Dipaculao at Ma.Aurora.

Ayon kay Manager Rolando Talplasido ng LBP-Baler Branch na sa pamamagitan ng ATM, mapapadali na ang paglalabas ng pera ng kanilang mga kliyente lalo na ang mga empleyado ng gubyerno partikkular sa mga guro, pulis, sundalo at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Sinabi naman ng ilang mga Goverment Employees sa lalawigan na malaking kaluwagan umano sa kanila kung madadagdagan pa ang ATM machines sa Aurora dahil hindi na daw nila kailangang magpunta pa sa bangko sakaling kailanganin nilang maglabas ng pera sa Land Bank mula sa kani-kanilang mga suweldo. (Ferdinand Pascual)

July 23, 2014

Annual Investment Plan ng Aurora, Ikinakasa na

by Bagong Aurora Website ng Bayan

10433313_1463051557284775_3232849719097747470_nBALER, Aurora-Inihahanda na ng Pamalaang Panlalawigan ng Aurora ang pagbalangkas para sa Annual Investment Plan ng probinsiya para sa susunod na taon matapos na ilunsad ang Provincial Development Council meeting kahapon sa AMCO beach resort sa bayang ito.

Nanguna sa naturang pulong si Gov. Gerardo Noveras habang dumalo rin ang ilang mga kinatawan  ng iba’t-ibang tanggapan ng Provincial Government, National Agencies , NGO’s at mga brgy Captains.

Pangunahin tinalakay sa pulong ang mga proyektong isusulong ng pamahalaang panlalawigan at pondo ng mga munisipyo sa susunod na tatlong taon.

Napag-usapan din ang paglalaan ng pondo ng mga pangunahing pangangailangan ng bawat bayan.

10488024_1463051320618132_5661389404331199308_nIminungkahi ni Dingalan Mayor Zenaida Padiernos ang karagdagan ng pondo para sa Dingalan Community Hospital, para sa Hospital Facilities Improvement program at hospital services improvement program gayundin ang proyekto na magpatayo ng karagdagang mga  evacuation center at daan na mag-uugnay sa mga barangay ng Dikapanikian at Paltic.

Hiling ni Padiernos sa gobernador ang kasalukuyang usapin ng brgy. Ibuna at brgy. Umiray sa checkpoint na pag aari ni Atty. Romeo Roxas na matagal ng kinikilalang Provincial road at ginagastusan umano ito ng  Bilyon bilyong pondo ng Probinsya para i-maintain ang nasabing kalsada.

Pero  maituturing pa lamang ito na partial report ang mga inilatag na mga ipopondo dahil isasapinal pa ang mga programa at proyekto sa lalawigan.

Hindi pa matukoy kung magkano ang bilyun-bilyong pondo na hihimay- himayin para sa Social Sector, Economic Sector at General Services Sector ng Provincial Government at Local Government Unit . (Nelvie Broncate)