Archive for July 22nd, 2014

July 22, 2014

Trike na Walang Prangkisa, Hinihikayat na Magpa-rehistro

by Bagong Aurora Website ng Bayan
Huling Tricycle sa Baler.

Huling Tricycle sa Baler.

BALER, Aurora-Muling nagbigay paalala ang tanggapan ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Baler Vice Mayor Karen Angara-Ularan sa lahat ng mga tricycle driver at operators na walang prangkisa o hindi pa nakakapag-renew ng kanilang MTOP na mahigpit na pinatutupad sa bayang ito ang Baler Ordinance No. 016 – 2014.

Sa ilalim daw kasi ng bagong ordinance ay mai-impound ang mga illegal na tricycle at magbabayad pa ng P2,500 pesos.

10488117_1500553486847245_499858688402553988_n“Sana po magsilbing aral po sa ating lahat ang mga na-impound na tricycle na kung saan patuloy ang paghihikayat ng aming tanggapan na mag-renew o magpa-rehistro ng tricycle na pamasada,” pahayag ni Angara-Ularan.

Nabatid na patuloy na magsasagawa ng operasyon ang mga otoridad upang hulihin ang mga walang kaukulang dokumento sa pamamasada sa bayang ito at pagmumultahin ng nasabing halaga na P2,500.

10489785_1500553510180576_1989493545796130385_nIniisa-isa din ng mga otoridad at ng mga kawani ng pamahalaang bayan ng Baler ang mga pila ng mga namamasadang tricycle kaya mabilis na nabibisto ang kawalan ng MTOP ng mga ito.

Kaugnay nito, muling hinihikayat ni Angara-Ularan na manguha ng prangkisa ang mga tricycle operators sa bayang ito upang makapag-operate ng walang problema at hindi mabalam ang pamamamasada.

Todo pasasalamat naman ito gayundin ang pwersa ng pamahalaang pambayan sa mga maagap na sumusunod sa mga requirements na itinatadhana ng nasabing ordinansa.