Archive for July 20th, 2014

July 20, 2014

Pagharurot, Overtaking at Maling pagliko ang Kadalasang Aksidente sa Kalsada

by Bagong Aurora Website ng Bayan

SAM_1543BALER, Aurora-Sa isang pag-aaral, hindi umano ang masamang kondisyon ng mga kalsada ang pangunahing dahilan ng mga aksidente sa kalye na kadalasang nagreresulta sa pagbubuwis ng buhay at pinsala sa katawan.

Sa talaang nakuha sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), may 50 katao ang naaaksidente at namamatay sa kalsada bawat araw sa Pilipinas.

Nabatid na karamihan sa mga namamatay ay nasa pagitan ng edad na 10 hanggang 24  taong gulang.

SAM_1546Batay sa pag-aaral, aabot sa 3,500 katao ang namamatay kada araw sa buong mundo habang 137,000 naman ang nasusugatan sanhi ng mga road accidents.

Karamihan sa mga insidente sa kalyeng naiuulat sa kanilang tanggapan ay bunga ng human error at hindi kasiraan ng sasakyan.

Labis na nakababahala umano ang nasabing bilang, lalo na ang posibilidad na ang aksidente sa kalsada ang magiging pangunahing sanhi ng premature death at injury pagsapit ng 2015.

SAM_1554Pangunahing dahilan ng aksidente ay ang sobrang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan (1,353 insidente), na sinundan ng maling overtaking (1,085) at maling pagliko (1,079).

Samantala, umabot lamang sa 480 aksidente ang naitala na sinasabing sanhi ng masamang kondisyon ng kalsada, ayon sa PNP-HPG.

Mula Enero hanggang kasalukuyan, umabot na sa 775 katao ang nasawi dahil sa mga aksidente na kadalasang nagaganap sa gabi.

SAM_1557Sa lalawigan ng Aurora, marami na ring serye ng aksidente ang naganap dito lalo na sa mga driver ng sasakyan na walang mga disiplina.

Katulad po ng aksidenteng ito na nangyari kamakailan sa Central Aurora. Ingat-ingat po tayo.