MARIA AURORA, Aurora – Anim na kaso ng panggagahasa ang kinakaharap ng isang 29-anyos na binata makaraang ireklamo ng sariling pamangkin, isang 14-anyos na babae, na residente ng bayang ito.
Kinasuhan na ng rape si Rolando Mergate, 29, binata, tiyuhin ng dalagita at residente ng Barangay 04, Maria Aurora.
Paulit-ulit umanong hinalay ng suspek ang pamangkin na tumuloy sa bahay nina Mergate.
Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon. (Light A. Nolasco)
You must be logged in to post a comment.