Archive for July 17th, 2014

July 17, 2014

Barangay Election 2014 sa Maria Aurora, Marami ang hindi pa Bayad

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdMARIA AURORA, Aurora-Isiniwalat ng Commelec sa bayang ito na karamihan sa mga barangay ng nasabing bayan ay hindi pa bayad sa ginanap na Barangay Election 2014.

Sa Sesyon ng Sangguniang Bayan ng Maria Aurora, inilatag ni Ofelia Quiben, Comelec Office ang listahan ng mga barangay na hindi pa nakakapagbayad ng tig-10 libong piso noong halalang pambarangay.

Ayon kay Quiben, marami pa sa mga guro na nagtrabaho noong Election ang hindi pa nababayaran. Nasa 16 na brgy. pa lamang umano sa 40 brgy. ng Ma. Aurora ang nakakapagbayad.

Sinabi ng Comelec Official na tila yata hindi kinikilala ng ilang kapitan ang Comelec Code.

Pinayuhan naman ni Presiding Officer Vice-Mayor Ariel Bitong si ABC President Castillo na kaysa gumastos sa mga ilulunsad nilang Seminar ay unahin munang bayaran ang obligasyon ng ilang brgy. sa Comelec.

Sinabi kasi ni Quiben na nagbaba na ng Demand Letter ang Low Department ng National Comelec sa ibat-ibang panig ng bansa na ang sinumang kapitan ng brgy. na hindi makakabayad ay may nakalaang Sanction batay sa nakasaad na Comelec Code. (Ferdinand Pascual)

July 17, 2014

Kahilingang Pagtatayo ng Gasoline Station sa San Jose, Maria Aurora, Usapan sa SB

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdMARIA AURORA, Aurora-Pinag-uusapan ng Sangguniang Bayan (SB) Members ng Maria Aurora ang kahilingan ng isang Zenaida Necesito na payagan ang pagpatayo ng isang Independent Gasoline Station na sakop ng isang ektaryang lupa sa bahagi ng Brgy. San Jose sa bayang ito.

Ayon kay SB Presiding Officer, Vice Mayor Ariel Bitong na wala sa posisyon ang SB members para magbigay ng pahintulot sa sinuman na nais magpatayo ng isang establishment.

Ayon kay Bitong, matagal daw talaga ang pagproseso ng mga dokumento sa ganyang planong pagtatayo ng negosyo.

Payo nito na humingi ng pahintulot kay Maria Aurora Mayor Amado Geneta habang ipino-proseso ang kaukulang mga dokumento.

Ang punong bayan umano ang may karapatang magdesisyon sa kanyang inilalapit sa mga miyembro ng SB para masimulan ang kanyang gasolinahan. (Ferdinand Pascual)

July 17, 2014

Inspection sa Pamilihang Bayan ng Maria Aurora, Isasagawa

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdMARIA AURORA, Aurora-Nakatakdang mag-inspection ang grupo ng Rural Health Unit (RHU) kasama ang Sanitary Inspector sa mga nagbebenta ng  manok at karneng baboy sa pamilihang bayan ng Maria Aurora.

Ang hakbang na ito ay isasagawa matapos na maalarma ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan sa impormasyong may ibinibentang sirang karne ng manok sa kanilang palengke.

Ayon kay Konsehal Oliver Farin, Chairman Committee on Health, ilang vendors ng karneng manok sa kanilang bayan ang nabisto na nagtitinda ng  sirang karne nito. Katwiran nila, sa Palengke din daw nabili ang nasabing mga karne.

Dahil sa pangyayari, dapat daw na talagang ilipat na ang Check Point ng Aurora PNP sa Bukana ng mga humps sa brgy. Canili.

Bukod daw sa mababantayang mabuti ang mga papasok na over loaded trucks at behikulong posibleng magdala ng cocolisap ay mai-inspeksyon din ang lahat ng may ilegal na kargamento tulad ng mga sirang karne ng baboy at manok na posibleng maka-apekto sa kalusugan ng mga taga Aurora. (Ferdinand Pascual)

July 17, 2014

Number 2 Most Wanted Person, Arestado ng Pulisya

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang nasa talaan ng number 2 most wanted person ng mga otoridad nitong lunes matapos ang limang taong pagtatago.

Kinilala ng mga otoridad ang naarestong si Christmart Garcia, 22 taong gulang ng brgy. 03, San Luis, Aurora sa bisa ng warrant of arrest na inihain ni Regional Trial Court 3rd Judicial Region Acting Presiding Judge Evelyn Turla sa Baler, Aurora.

Si Garcia ay may kasong 3 counts rape na isinampa noong  ika-9 ng Marso 2009.

Bilang Proteksyon sa kapakanan ng batang biktima, minabuti ng pulisya na itago na lang ang pagkakakilanlan ng naging biktima sa paulit-ulit na panghahalay ng naturang akusado.

Nakakulong na ngayon sa Baler Municipal Jail si Garcia at nakatakdang ilipat ngayong Martes sa Panlalawigang piitan ng Aurora upang doon harapin at pagdusahan ang ginawang kasalanan. (Ferdinand Pascual)