Archive for July 16th, 2014

July 16, 2014

Sundalo na Binaril ng Cafgu, Patay

by Bagong Aurora Website ng Bayan

CLMA LOGOMARIA AURORA, Aurora-Idineklarang patay kagabi ng attending physician ng Premier General Hospital, Brgy. Suklayin, Baler, Aurora na si Dr. John Edizon Pontiñoza ang isang sundalo na sugatan sa tama ng bala na nakabase sa Barangay Punglo, Maria Aurora, Aurora.

Kinilala ng mga otoridad ang biktimang si Sgt. Jimmy Fagyan Y’ Killayon na nasawi matapos barilin ng isang CAFGU gamit ang isang cal. 30 na carbine sa hindi pa malamang kadahilanan.

Sinasabing naganap ang pamamaril sa mismong detachment.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad gayundin ang operation manhunt sa suspek. (Bagong Aurora Website ng Bayan)

July 16, 2014

Bagyong Glenda, Nakalabas na ng Luzon; Nag-iwan ng 8 Patay

by Bagong Aurora Website ng Bayan

Glenda routeBALER, Aurora-Tuluyan ng nakalabas sa kalupaan ng Luzon ang sentro ng bagyong si Glenda na kung saan huli itong namataan sa West Philippine Sea.

Taglay pa rin nito ang hanging 140 kph at pagbugsong 170 kph.

Inaasahang kikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Nakataas sa Signal number 3 sa mga lugar ng Zambales, Tarlac, Pampanga, Bataan, Bulacan, Rizal, Cavite, Lubang Island, Pangasinan at Metro Manila. Signal number 2 naman sa La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, SOUTHERN AURORA, Northern Quezon including Polillo Islands, Laguna, Batangas, and northern parts of Occidental at Oriental Mindoro. Signal number 1 naman sa Ilocos Sur, Mountain Province, Ifugao, Quirino, REST OF AURORA, Camarines Norte, Marinduque, rest of Occidental and Oriental Mindoro at Calamian Group of Islands.

Kaugnay nito, walo ang iniulat na patay sa pananalasa ng bagyong Glenda sa bansa. Tatlo sa mga nasawi ay mula sa Cavite, tatlo sa Lucena, isa sa Bulacan at isa rin sa Northern Samar.

Sa Central Luzon, nasawi naman ang isang binatilyo sa Bulacan matapos umanong mabagsakan ng puno. (Bagong Aurora Website ng Bayan News Team)

July 16, 2014

Bagyo, Lumihis sa Metro Manila; Bataan naman ang Puntirya: Southern Aurora Signal Number 2; Signal Number 1 Rest of Aurora

by Bagong Aurora Website ng Bayan

Glenda directionBALER, Aurora-Lumihis ng kaunti sa Metro Manila ang bagyong si Glenda na kung saan sa halip na tumbukin nito ang gitnang bahagi ng rehiyon, naging pakanluran ang pag-usad nito.

Dahil sa naturang pagbabago ng direksiyon, nagbabanta na ang bagyo sa lalawigan ng Bataan; magkagayunman, mararanasan pa rin ang masungit na lagay ng panahon sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Ayon sa Pagasa, taglay pa rin ng bagyong Glenda ang lakas ng hangin na 150 kph malapit sa gitna at pagbugsong 185 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 26 kph.

Nakataas ang signal number 3 sa Pangasinan, Zambales, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Bataan, Quezon including Polillo and Alabat Is., Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, Marinduque, northern part of Mindoro provinces including Lubang Island at Metro Manila. Signal number 2 naman sa La Union, Benguet, Nueva Ecija, SOUTHERN AURORA, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Burias Island, Romblon, rest of Oriental at Occidental Mindoro samantalang nasa Signal number 1 sa Ilocos Sur, Nueva Vizcaya, Quirino, REST OF AURORA, Catanduanes, Sorsogon, Ticao Island at Masbate. (Bagong Aurora Website ng Bayan News Team)

July 16, 2014

Dating Pulis, Arestado Dahil sa Pagtutulak ng Shabu

by Bagong Aurora Website ng Bayan

CLMA LOGOMARIA AURORA, Aurora-Arestado ng mga otoridad ang isang dating pulis dahil sa aktong pagbebenta ng shabu sa Brgy. 2, Maria Aurora, Aurora habang humahataw ang bagyong si Glenda papasok sa bansa.

Kinilala ni Police Senior Inspector Victor Basil Morales ang suspek na nahuli dakong alas otso kagabi na si Jeric Daracan Y’ Marcelo, 42, naninirahan sa Brgy. 4, Maria Aurora, Aurora.

Ang pagkakadakip sa suspek ay bunga ng buy bust operation na isinagawa ng mga otoridad katuwang ang media, PDEA, barangay kagawad at mga nagmamalasakit sa bayang ito laban sa bentahan ng droga.

Nasamsam ng mga otoridad ang 3 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng sampung libong piso.

Pansamantalang nakakulong sa Maria Aurora PNP ang suspek na kung saan kakasuhan ito sa paglabag sa Republic Act of 9165 ngayong umaga sa piskalya. (Bagong Aurora Website ng Bayan)