Archive for July 15th, 2014

July 15, 2014

Bagyong Glenda, humahataw na sa Metro Manila; Signal 2 Southern Aurora at Signal Number 1 Rest of Aurora – Pagasa

by Bagong Aurora Website ng Bayan

Glenda photoBALER, Aurora-Nararamdaman na ang unti-unting paghataw ng bagyong si Glenda sa Kalakhang Maynila.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Nagcarlan, Laguna o 70 km timog silangan ng Metro Manila.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na 150 kph malapit sa gitna at pagbugsong 185 kph.

Kumikilos umano ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 26 kph.

Nakataas ang signal number 3 sa mga lalawigan ng Pangasinan, Zambales, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Bataan, Quezon including Polillo and Alabat Is., Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, Marinduque, northern part of Mindoro provinces including Lubang Island at Metro Manila.

Signal number 2 sa La Union, Benguet, Nueva Ecija, SOUTHERN AURORA, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Burias Island, Romblon, rest of Oriental at Occidental Mindoro.

At Signal number 1 sa Ilocos Sur, Nueva Vizcaya, Quirino, REST OF AURORA, Catanduanes, Sorsogon, Ticao Island at Masbate. (Bagong Aurora Website ng Bayan News Team)

July 15, 2014

‘Glenda,’ Papasok na sa Albay; Southern Aurora Signal Number 2 at Northern Aurora Signal Number 1′ – Pagasa

by Bagong Aurora Website ng Bayan

CLMA LOGOBALER, Aurora-Pumapasok na umano sa Albay Gulf ang sentro ng bagyong Glenda sa kasalukuyan na kung saan huling namataan ang sentro ng bagyo sa nasabing lugar ayon sa Pagasa.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 130 kph malapit sa gitna at pagbugsong 160 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 19 kph.

Nasa Signal number 3 ngayon ang mga lugar ng Catanduanes, Albay, Sorsogon, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate, Quezon including Polillo Islands, Marinduque, Laguna, Batangas, Rizal, Northern Samar, northern part of Samar at northern part ng Eastern Samar.

Signal number 2 naman ang Southern Aurora, Cavite, Bulacan, Pampanga, Bataan,‪Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Lubang Island,‪Oriental Mindoro, Romblon, Biliran, rest of Samar, rest of Eastern Samar, northern part ng Leyte province at Metro Manila.

Iniulat din na Signal number 1 ang Northern Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Occidental Mindoro, rest of Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu including Cebu City at Camotes Islands. (Bagong Aurora Website ng Bayan News Team)

July 15, 2014

Glenda, Mapapaaga ng Dating – Pagasa

by Bagong Aurora Website ng Bayan

CLMA LOGOBALER, Aurora-Ramdam na ang hagupit ng sama ng panahon sa Northern Samar na tatagal hanggang mamayang gabi na kung saan pinakamalapit na lokasyon ngayon ng bagyong Glenda sa nasabing lugar.

Huling namataan ang bagyo sa layong 160 km silangan timog silangan ng Legazpi City o 80 km silangan hilagang silangan ng Catarman, Northern Samar.

Ito pa rin ay may lakas ng hangin na 120 kph at pagbugsong 150 kph.

Bumilis umano ito mula 20 kph at tumatakbo na ito ngayon ng 24 kph sa pakanlurang direksyon kaya mas maaga ang magiging pagtama sa lupa.

Dahil dito, mas maaga ang mangyayaring landfall o direktang pagdaan ng sentro ng bagyo sa Albay at Sorsogon area.

Signal number 3 (101 -185 kph) ngayon ang mga lugar sa Catanduanes, Albay, Sorsogon, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate inc. Burias and Ticao Islands, Southern Quezon, Marinduque, Northern Samar, northrn part ng Samar at eastern Samar.

Signal number 2 (61-100 kph) naman ang nalalabing bahagi ng Quezon, kasama na ang Polilio Island, Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Bataan, Metro Manila, Biliran, iba pang bahagi ng Samar, eastern Samar at northern part ng Leyte provinces.

At Signal number 1(30-60 kph) naman ang Romblon, Oriental and Occidental Mindoro, Lubang Island, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Pangasinan, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, AURORA, southern part ng Leyte province at Camotes Island. (Bagong Aurora Website ng Bayan News Team)

July 15, 2014

Isyu sa Isang Pari, Umani ng Opinyon

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Halos hati ang naging reaksyon ng mga taga-Aurora sa isyu kaugnay  ng pagsasampa ng kaso sa isang pari sa Cebu na nagpahiya sa isang dalagang ina sa mismong binyag ng anak nito batay sa naging resulta ng Opinyon ng Bayan sa programang Hataw Balita.

Ayon sa ilang texters, dapat lang na kasuhan ang ganitong klase ng pari para hindi na pamarisan. Hindi umano makatarungan ang ginawa nitong panghihiya sa isang babaeng nagpapabinyag ng kanyang anak ng walang ama at labag ito sa karapatang Pang-tao na ipinatutupad na batas sa lipunan.

Imbes umanong payuhan at patatagin ang kalooban ng isang dalagang ina ay ipinahiya pa ito ng isang kinikilalang alagad ng Simbahan.

Ayon naman sa iba, hindi na daw kailangang kasuhan ang nasabing pari dahil humingi naman ito ng dispensa sa nagawang kasalanan at sinasabing kahit mga pari ay tao pa rin ang mga ito na nagkakamali. (Ferdinand Pascual)

July 15, 2014

Baler PNP, Nagpasalamat sa Suporta ng mga Tao

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Nagpasalamat ang Baler PNP sa lahat ng mga tao na nagmalasakit at sumuporta sa mga programa ng Pulisya lalo na sa pagpapanatili ng Peace and Order sa nasabing Bayan.

Sa panayam ng Programang Punto de Bisto ng RTV Baler nitong Sabado kay PCI Reynate Pitpitan, COP ng Baler Police Station, personal nitong pinasalamatan ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at ilang Stakeholders na nakatakdang magbigay ng mga Handheld Radio para mapabilis ang komunikasyon ng mga kapulisan.

“Kulang na kulang ang mga kagamitan ng Pulisya lalo na ang gamit para sa komunikasyon at mas mapapabilis ang pagresponde namin sa sinumang nangangailangan kung handheld Radio ang gamit  imbes na cellphone na kailangan pa ng load,” pahayag ni Pitpitan.

Tumulong na rin sa paglalagay ng mga Police Box ang ilang mga Business Owners sa ibat-ibang bahagi ng Quezon Highway na labis na ipinagpasalamat ng Pulisya. (Ferdinand Pascual)

July 15, 2014

Bagong Programa ng Pulisya, Inilunsad

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Naglulunsad ng mga bagong Programa ang Baler Police Station upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng mga sistema sa kabila ng pag-arangkada ng kaunlaran sa nasabing Bayan.

Sa Programang Punto De Bisto, sinabi ni Police Chief Inspector Reynante Pitpitan, hepe ng Baler PNP na isa sa kanilang mga programa ang Performance Governance System.

Ayon sa Opisyal ang nasabing Programa ang magiging mata at bantay ng bawat miyembro ng Pulisya sa kanilang ginagawang paglilingkod sa taong bayan kung saan maaring magreport ang sinuman hinggil sa performance ng bawat alagad ng batas.

Layunin ng naturang programa ang magkaroon ng magandang ugnayan ang taong bayan, Pulisya, Transparency at para na rin maiwasan ang mga reklamo sa ilang miyembro ng kapulisan  hingil sa di-umano’y walang ginagawa sa oras ng kanilang Duty. (Ferdinand Pascual)

July 15, 2014

Papremyo sa Nanalo sa Bankaton, Hindi Naibigay

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Dahil sa kakulangan ng Premyo, nakiusap ang pamunuan ng Sitio Castillo kaugnay sa mga nanalong mangingisda sa Bangkaton nitong nakalipas na kapistahan.

Sa Programang Punto De Bisto nitong Sabado, inamin ng Organizer ng nasabing pagdiriwang na si Janeth Mamaril na kinulang daw ang nalikom nilang pera para sa nasabing palaro kayat hindi naibigay ang karampatang pa-premyo na kanilang ipinaskil.

Nadismaya kasi ang mga mangingisdang lumahok ng tanggapin nila ang kulang-kulang na perang kanilang napanalunan.

Anila, kung sakali daw palang nasira ang kanilang bangka na kanilang ipinangkarera ay kulang pa ang napanalunan sa kanilang natanggap na premyo.

Humihingi naman ng pang-unawa at pasensiya si Mamaril dahil sa hindi nagkaunawaan sa ginanap na Kapistahan ng Sitio Castillo ng Brgy. Sabang Baler, Aurora. (Ferdinand Pascual)