Archive for July 14th, 2014

July 14, 2014

Bagyo Target ang Bicol Region Mamayang Gabi; Aurora Signal Number 1

by Bagong Aurora Website ng Bayan

CLMA LOGOBALER, Aurora-May posibilidad na unang tamaan ng sentro ng bagyong Glenda ang Albay at Sorsogon sa pagitan ng alas-6:00 at alas-8:00 mamayang gabi (July 15, 2014).

Kasunod ng pagbagal ng sama ng panahon habang papalapit sa kalupaan ng sa Bicol Region ayon sa Pag-asa.

Huling namataan ng Pag-asa ang bagyo sa layong 270 km silangan ng Legazpi City na kung saan taglay nito ang lakas ng hangin na 120 kph at pagbugsong 150 kph.

Umuusad ito patungo sa kanlurang direksyon sa bilis na 20 kph.

Signal number 3 ngayon ang Catanduanes, Albay, Sorsogon, Camarines Sur, Burias Island at Ticao Island. Signal number 2 naman ang mga lugar ng Camarines Norte, Masbate, Marinduque, Quezon, Polilio, Batangas, Laguna, Cavite, Bulacan, Metro Manila, Samar at Eastern Samar samantalang nasa  Signal number 1 ang Romblon, Occ. Mindoro, Oriental Mindoro, Lubang Island, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Pangasinan, Quirino, Nueva Viscaya, Benguet, La Union, AURORA, Northern Leyte at Biliran Island. (Bagong Aurora Website ng Bayan News Team)

July 14, 2014

NFA Rice Supply, Kulang sa Aurora

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Nagrereklamo ang ilang Consumer dahil sa kakulangan ng bigas ng National Food Authority (NFA) sa lalawigan ng Aurora sa gitna ng mataas na presyo ng mga commercial Rice.

Yan ang naging reaksyon ng mga taga-Aurorang nakiisa sa opinyon ng bayan sa programang Hataw Balita na kung saan kulang umano ang supply nito sa Aurora.

Ayon sa mga texters, malaki  sanang kaluwagan sa kanila ang 27 pisong kada kilo ng NFA Rice subalit hindi naman daw sapat ang supply nito para sa mamamayan lalo na sa mga mahihirap.

Bagamat may 32 pesos na NFA Rice sa mga Outlet nito sa pamilihang bayan ay mas pabor pa rin sa kanila ang tig-27 piso.

Wala din umano silang mabiling 27 pesos na NFA rice sa mga Outlet nito sa mga Barangay.

Hinala tuloy ang ilang mamamayan na tinatago ng NFA ang murang bigas na mabibili ng mahihirap na residente.

Magugunitang, una nang tiniyak ng tanggapan na sapat ang suplay ng NFA rice at mas mataas ang alokasyon nito ngayon upang suportahan ang pangangailangan ng mga mahihirap na mamamayan. (Ferdinand Pascual)

 

July 14, 2014

Coco Traders, Dumulog sa Sangguniang Bayan

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdMARIA AURORA, Aurora-Dumulog na sa Sangguniang bayan ng Ma. Aurora nitong lunes ang mga coco-traders sa hiling na panatilihin ang 20 pirasong milma sa buko dahil wala na sila umanong kikitain kung tuluyan ng aalisin ang palyo sa buko.

Bagamat totoong pinaiiral ang pasobrang 30 buko kada isandaang bilang, iginiit ng ilang Coco traders sa lalawigan na ang gumagawa lang daw nito ay yaong mga dayuhang traders.

Dahil sa pangyayari, pati daw tuloy silang mga mga mamimil  ng niyog mula sa Aurora ay nadadamay sa sistema ng mga dayuhang traders sa lalawigan.

Payo naman ni Vice Mayor Ariel Bitong, dapat daw itong idulog sa tanggapan ng Philippine Coconut Authority (PCA) dahil sila ang may hurisdiksyon kaugnay sa nabanggit na usapin.

Maaari din daw nila itong idulog  sa Sangguniang panlalawigan dahil sila ang may mas  kapangyarihan para solusyunan ang nasabing isyu. (Ferdinand Pascual)

July 14, 2014

Maria Aurora PNP, Patuloy sa Pagtulong sa mga Senior Citizen

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdMARIA AURORA, Aurora-Namahagi ng tulong ang mga miyembro ng Maria Aurora Police para sa ilang miyembro ng Senior Citizen’s mula sa mga barangay ng Dimandpudso, Banawag, Cabituculan East at Cabituculan West.

Tumanggap ng tig-iisang pack ng Relief goods na naglalaman ng Grocery Items ang ilang piling miyembro nito na halos wala ng sapat na lakas para makapaghanap-buhay dahil sa katandaan.

Ayon kay Police Inspector Ramon Zagala, Deputy Chief of Police na ang nasabing hakbang ay regular na isinasagawa ng pulisya bilang bahagi ng pakikipag-ugnayan sa mamamayan.

Nakatakda ngayong Miyerkules na magtungo ang mga kapulisan sa Brgy. Punglo para ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga miyembro ng Senior Citizens. (Ferdinand Pascual)

July 14, 2014

Minahang Bayan, Ipinaliwanag ng MGB

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdMARIA AURORA, Aurora-Ipinaliwanag ng Mines and Geosciences Bureau (MGB-Region 3) sa Sesyon ng Sangguniang Bayan ng Maria Aurora ang regulasyon at kwalipikasyon kung paanong kumuha ng permiso sa mga munisipalidad na nagnanais mag-operate ng Minahang bayan.

Ayon sa MGB marami umano na makukuhang ginto, cromine at silver sa lalawigan ng Aurora pero ni isa daw sa mga opisyales ng pamahalaan ay walang nag-apply ng Minahang Bayan.

Hindi naman daw kasi lahat ng operasyon ng pagmimina ay nakakasira sa kalikasan lalo na kung sinusunod ang tamang regulasyon sa pagmimina. (Ferdinand Pascual)

July 14, 2014

STATEMENT OF SEN. ANGARA ON PNOY’S NATIONWIDE STATEMENT ON DAP

by Bagong Aurora Website ng Bayan
857076_417028431720045_1015366533_oKatulad ng buong sambayanan, interesado tayong mapakinggan ang sasabihin ng ating Pangulo tungkol dito sa DAP, lalo na’t naging mainit na talakayan ito na pati nga ang Korte Suprema ay nagpahayag na ng desisyon ukol dito. Ang akin lang, mahalagang maidetalye at maipaliwanag na ang naturang pondo ay nailagak sa mga lehitimo at kapakipakinabang na proyekto at hindi pawang sa bulsa ng mga tumanggap nito. Ang importante, marahil, ay mapatunayan na ang nasabing mga pondo ay nagamit sa may mga katuturang programa na nagbigay benepisyo sa publiko at hindi sa mga ghost project. Tayo ay makikinig sa magiging pahayag ni Pangulong Aquino, ang pinuno ng ating bansa na ang katagumpayan ng anumang kaniyang isinusulong ay siya ring katagumpayanan ng buong bayan.