Archive for July 12th, 2014

July 12, 2014

Babae, Nagtangkang Magpakamatay

by Bagong Aurora Website ng Bayan

Saint Claire Medical Hospital photo fileDINGALAN, Aurora-Hindi na nakayanan ni Rosenda Villa, 37 taong gulang ang matagal ng pagkawala ng tatay niya na si Ben Villa, 76 na taong gulang, residente sa Brgy. Davil-davilan, Dingalan, Aurora.

Pinagtangkaan ni Rosenda na kitilin ang sarili niyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason at gamot na pampatulog dahil sa sobrang depression na nararanasan sa matinding pag-aalala at pag iisip nito sa kanyang ama.

Ang huling paalam umano ng matanda ay noong buwan ng Abril na aahon lamang sa bundok upang sitahin ang dalawang lalaki na nag-tatabas at umaangkin di-umano sa kanilang lupain.

Ang pagkawala ng kanyang ama na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang naging sanhi ng pagtangka nito na tapusin na ang kanyang hiram na buhay.

Si Rosenda ay agad naisugod sa malapit na pagamutan at nabigyan ito ng lunas sa Saint Claire Hospital sa bayan nabanggit noong July 10, 2014 kung kayat nakaligtas ito sa kamatayan.

Nasa mabuting kundisyon na ngayon ito at agad ding ito nailabas nitong biyernes ng hapon.

Ben VillaNananawagan ang pamilya Villa na nakararanas ngayon ng matinding pagsubok na matutukan ito ng mga otoridad at tulungan sila para sa masusing imbestigasyon sa pagkawala ni Ben Villa para malaman kung ito ay patay na o buhay pa. (Nelvie Broncate)