Archive for July 11th, 2014

July 11, 2014

Mga Walang permit, pagmumultahin: Bagong Disenyo sa Trike, Inayos

by Bagong Aurora Website ng Bayan

CLMA LOGOBALER, Aurora – Pagmumultahin ng pamahalaang bayan ng P300 ang nasa 200 tricycle driver na nahuling namamasada nang walang motorized tricycle operators permit (MTOP).

Iniisa-isa ng mga kawani ng pamahalaang bayan ng Baler ang mga pila ng mga namamasadang tricycle kaya nabisto ang kawalan ng MTOP ng ilan.

Nabatid na sa Baler ay mas marami pa ang namamasada nang walang kaukulang dokumento, na inirereklamo ng ilang legal na namamasada.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Baler Vice Mayor Karen Angara-Ularan na kinakailangan manguha ng Prangkisa ang mga tricycle operators sa bayang ito upang makapag-operate sa mga sumusunod na  mga requirements:

ordinance number 16Ipinaliwanag din ni Angara-Ularan ang mga Color Coding Assignment para sa bawa’t Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na mahigpit nila umanong ipinapatupad sa bayang ito. 

conduct of duties of tricycle driver operatorsAng bagong ordinansa tungkol sa operasyon ng mga tricycle sa bayang ito ay naglalaman umano ng tamang “Conduct” at “Duties” ng bawa’t operator at driver gayundin ang pagkakaroon  ng Standard Size at Design ng sidecar upang mas mapaganda ang serbisyo nito sa publiko.

Sizes of sidecar“Meron din pong mga dapat sundin na Specifications ang ating mga operators at drivers upang maging ligtas ang bawa’t mananakay,” paliwanag nito.

Mayroon na ring mga Color Coding Assignment para sa bawa’t Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na mahigpit na ipinatutupad. 

colorcoding finalMatitiyak din umano ang kaligtasan ng mga mamamayan kung susundin ng mga operators at drivers ang disenyo at ayos ng isang tricycle unit. 

Ang Ordinance No. 016-2014 ay ipinasa ng Sangguniang Bayan na may layuning maisaayos at mapaganda ang operasyon ng mga tricycle drivers at operators sa bayang ito.