Archive for July 9th, 2014

July 9, 2014

Sistema sa Pagawain ng Florida Elem. School, Isiniwalat sa Sangguniang Bayan

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdMARIA AURORA, Aurora-Isiniwalat ni Florida Brgy. Kagawad Primo Genove sa Sesyon ng Sangguniang bayan Members ng Ma. Aurora nitong Lunes ang tila kaduda-dudang sistema sa pagawain ng Florida Elementary School.

Hindi aniya tugma sa Program of works na ipinadala sa kanila ng Municipal Engineering Office ng Ma. Aurora ang mga materyales na ipinadala sa nasabing paaralan.

Malaki ang hinala ni Genove na may hindi Tama sa sistema ng Municipal Engineering ng nasabing bayan kaugnay sa pagawain ng paaralang elementarya sa lugar.

Sa pangunguna ni SB Presiding Officer Ma. Aurora Vice Mayor Ariel Bitong ay nangako ang Sangguniang Bayan Members na ipatatawag sa kanilang susunod na Sesyon ang mga empleyado ng Lokal na pamahalaang sangkot sa nasabing Reklamo. (Ferdinand Pascual)

July 9, 2014

APGEA, Pinanumpa ni Gov. Noveras

by Bagong Aurora Website ng Bayan

CLMA LOGOBALER, Aurora–Pinanumpa ni Aurora Governor Gerardo A. Noveras nitong Lunes ang mga bagong talagang opisyal ng Aurora Provincial Government Employee Association (APGEA) sa mismo nitong tanggapan sa Capitol Compound Barangay Suklayin sa bayang ito.

Ang hanay ng mga nanumpa ay pinangunahan ng kanilang Presidente na si Ginoong Herbert Fernandez at ng kanyang mga miyembro.

Bilang pang wakas ng Oath Taking Ceremony, mariing sinabi ni Noveras sa mga bagong miyembro ng APGEA na dapat wag magpa-impluwensiya sa kung sino pa mang pulitiko na magpapababa sa antas ng kanilang trabaho.

Dapat din aniyang paghusayan ang trabaho para sa mas lalong ikakabuti ng taong bayan maging ng kanilang mga kapwa empleyado sa gobyerno. (Brave Heart)

July 9, 2014

STATEMENT OF EDGARDO J. ANGARA ON P50 M DAP FUNDS

by Bagong Aurora Website ng Bayan

The P50 million DAP fund of  Senator Edgardo J. Angara went to five (5) infrastructure projects which contracts were awarded by the DPWH  through open and transparent bidding .

Three of the five projects went to provinces in dire need of development funds and infra upgrading: Abra, Antique and Cagayan.

The remaining two (one for flood control and the other for road widening) went to Quezon City projects that were deemed as vital by the QC engineering District .

The five projects, according to the DPWH, had been satisfactorily completed.

PROJECT

LOCATION

AMOUNT

IMPLEMENTING AGENCY

STATUS

1. Construction/ Opening of Minanga-Sitio Dlaya Road (Phase V)

Penablanca, Cagayan

P15 M

Cagayan 3rdEngineering District Office

Completed

2. Construction/Rehabilitation of Buluangan I-Tono-an Road

Bugasong, Antique

P10 M

Antique District Engineering Office

Completed

3. Rehabilitation of Pidipid-Benben FMR

Brgy. Pidipid, La Paz, Abra

P5 M

Abra District Engineering Office

Completed

4. Rehabilitation/Improvement of Regalado South (KM 18 +500 to Km. 20 +366)

Quezon City

P10 M

Quezon City First Engineering District

Completed

5. Widening and Construction of Drainage Kanlaon St. (Km. K7 + 019 to K7 + 840)(Intermittent)

Quezon City

P10 M

Quezon City First Engineering District

Completed

TOTAL

P 50M

 

 

 

 

 

 

July 9, 2014

300 Seedlings, Itinanim ng PNP at Taong Barangay

by Bagong Aurora Website ng Bayan

10354683_244074042457372_3098955955498311319_nMARIA AURORA, Aurora–Nasa 300 puno ng iba’t-ibang seedlings ang itinanim ng grupo sa isang bakanteng lote ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Maria Aurora PNP at mga residente ng barangay Cabitukulan West sa kanilang isinagawang tree planting.

Ayon kay Maria Aurora Deputy Chief of Police, Police Inspector Rommel Zagala, ang programa ay may layuning maipakita ang malasakit sa mundo at tumulong para mabawasan ang lumalalang usapin hingil sa Climate Change.

Ayon pa sa opisyal, ang nasabing gawain ay kaugnay sa kanilang ika-19th PCR Month Celebration ng may temang “Pinaigting na samahan ng mamamayan at Polisya para sa patuloy na kapayapaan at Kaunlaran ng Sambayanan. (Brave Heart)

July 9, 2014

2 Nasa Listahan ng Most Wanted Persons, Arestado

by Bagong Aurora Website ng Bayan

MARIA AURORA, Aurora–Magkasunod na naaresto ng mga tauhan ng Maria Aurora Police ang dalawang nasa listahan ng Most Wanted Persons sa bayang ito kamakailan.

Kinilala ni Police Senior Inspector Victor Basil Morales, hepe ng Maria Aurora Police ang mga naaresto na sina Antonio Campos, 57 taong gulang, residente ng Barangay Diat dahil sa kasong violation of PD 705 as amended by Ecxecutive Order no. 277 at republic at 7161.

Habang ang isa pang naaresto ay kinilalang si Rolando Margate, 29 na taong gulang na residente rin ng barangay 4 Poblacion sa nabangit na bayan.

Ang pagkadakip sa dalawa ay dahil sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Maximo Ancheta Jr., Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 90, Baler, Aurora. (Brave Heart)

July 9, 2014

Banal na Misa, Naging Madamdamin

by Bagong Aurora Website ng Bayan

10500563_243605245837585_2757720348085198217_nSAN LUIS, Aurora–Naging madamdamin ang pagtatapos ng misa nitong nakalipas na linggo sa simbahan ng San Luis Rey Parish Church sa bayang ito.

Matinding emosyon ang namalas ng taong bayan sa isang padre de pamilya na pilit itinataguyod ang kanyang tatlong anak sa kabila ng kanyang kalalalagayan sa buhay na kung saan putol ang kaliwang binti ni Mang Jose Hanggaray.

Si Mang Jose ay itinuring na walang silbi na siyang naging dahilan para iwanan ng kanyang mahal na asawa.

Hiling nito na makauwi sa kanilang bayan sa Visayas Region para doon pagsikapang itaguyod ang nasirang pamilya na siya namang tinugunan ng Simbahan at Pamahalaan.

Dahil sa awa, dinumog ng taong bayan ang mag-aama para suportahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansiyal. (Brave Heart)