Archive for July 5th, 2014

July 5, 2014

500 School Bags Ipamimigay sa mga Batang Nag-aaral

by Bagong Aurora Website ng Bayan

school suppliesMARIA AURORA, Aurora-Nakakasa na ang nasa 500 School Bags na naglalaman ng mga School Supplies para sa mahihirap na batang mag-aaral sa Elementarya sa bayang ito.

10483161_559338187508068_126319039_nAyon kay Maria Aurora Mayor Amado Geneta, ang nasabing mga gamit  pang-eskwela ay ibibigay sa mga guro ng Elementarya sa ibat-ibang dako ng nasabing bayan upang sila naman ang mag-abot sa mga batang ang alam nila ay walang kakayanang bumili ng mga gamit sa paaralan.

Nagmula sa lokal na pamahalaan ng nasabing bayan ang pondong ipinambili ng mga gamit sa iskwela, kaya hiling ni Geneta na naway ang mga tunay na batang kapos sa kabuhayan ang mkatanggap ng naturang mga kagamitan.

Magugunitang, una ng nagbahagi ang LGU-Ma.Aurora ng tig-iisang Laptop para naman sa 20 Principal ng paaralang Elementarya sa nasabing bayan. (Ferdinand Pascual)

July 5, 2014

Maling Pamamalakaya, Hindi dapat Ugaliin ng mga Mangingisda

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Nabanaag ang pagkadismaya ni Brgy. Captain Michael Valenzuela ng Brgy. Reserva matapos na mabatid ang maling sistema ng pamamalakaya ng mga mangingisda sa karagatan sa tapat ng kanyang nasasakupan na hindi umano dapat ugaliin.

Ito ang kanyang naging reaksiyon matapos mabatid na mali ang  pamamaraan sa panghuhuli ng mga isda ng mga namamalakaya batay sa mga impormasyong kanyang nakalap.

Ayon kay Valenzuela at base na rin sa mga larawang isinumite nito, nagkakadkad umano ang mga nangingisda ng pinong lambat na ipinagbabawal ng batas.

Posible daw kasi na mahuli ng kanilang gamit na lambat pati ang isdang maliliit na hindi pa naman mapapakinabangan at maaari lang masayang.

Makakasira din daw ito ng mga Coral Reefs dahil kumakayod sa kailaliman ng dagat ang gamit nilang lambat.

Kinumpirma ni Valenzuela na mula sa grupo ng Fisher folks Assossiation ng brgy. Sabang ang ilang mangingisdang gumagawa ng maling sistema sa kanilang pamamalakaya. (Ferdinand Pascual)