Archive for July 4th, 2014

July 4, 2014

CARP, Hindi Dapat Itigil ng Gubyerno

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Hindi dapat itigil ang programa ng gubyerno para sa mga magsasaka sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) dahil malaki ang pakinabang nito ayon sa 63% na taga-Aurora at mga karatig probinsya na nakiisa sa opinyon ng bayan sa programang hataw balita.

Anila, hindi dapat na magwakas ang nasabing programa dahil marami pa sa mga magsasaka ang hindi nakinabang.

Samantala, nasa 37% naman sa mga texter ang nagsabing dapat na itong alisin, hindi dahil sa hindi umano magandang distribusyon ng lupa.

Kadalasan daw kasi ay ang mga mayayaman lang ang nakikinabang sa nasabing programa ng pamahalaan.

Payo naman ng ilang texter, kung magbibigay sana ng lupa ang gubyerno sa mga magsasaka ay yung titulado na para naman walang maging problema ang mahihirap na magsasaka sakali mang magkagipitan sa usapin sa lupa na mula sa CARP. (Ferdinand Pascual)