Archive for July 3rd, 2014

July 3, 2014

Job Order Applicants, Dumagsa sa Maria Aurora LGU

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdMARIA AURORA, Aurora-Dinagsa ng mga aplikante para sa Job Order (JO) ang tanggapan ng punong Bayan ng Maria Aurora nitong Martes.

Sa panayam kay Gng. Rowena Japson Madriaga, magsasaka ng brgy. Quirino, susubukin daw niya na mag apply bilang J.O. ng Munisipyo para madagdagan ang kita dahil hirap na rin sila sa pagsasaka.

Ayon naman kay Maria Aurora Mayor Amado Geneta, batid daw nito ang kahirapan ng ilang kababayan ngayong tagtuyot dahil pagsasaka ang malaking pinagkukunan ng mga ito ng kabuhayan.

Sisikapin daw ng Punong bayan na mabigyan lahat ng trabaho ang mga aplikante pero limitado lang ang tagal ng kanilang pagtatrabaho.

Sa ngayon ay nasa P223,000 lang umano ang pondo sa mga Job Orders na hahati-hatiin para lahat ay mapagbigyan. (Ferdinand Pascual)

July 3, 2014

Isyu na Madaming Body Guards at iba pa, Tinawanan ni Geneta

by Bagong Aurora Website ng Bayan

MARIA AUROferdRA, Aurora-Tinatawanan na lang ni Maria Aurora Mayor Amado Genata ang mga isyung ibinabato laban sa kanyang panunungkulan.

Sinabi ni Geneta, una daw na ipinukol ng kanyang mga kritiko ang di-umano’y armadong mga bodyguards at Overpricing sa pagpapakumpuni ng palikuran ng lokal na pamahalaanna hindi naman napatunayan.

Ayon sa alkalde dapat ay inalam muna ang buong katotohanan bago sila magpalabas ng mga negatibong balita.

May hinala daw siya kung sino ang nagpagpapakalat ng ganitong maling impormasyon. Hindi raw kasi ito ang unang pagkakataon na pilit na sinisira ang kanyang reputasyon. Malinis daw ang kanyang konsensya kaya’t bahala na ang taumbayan para humusga. (Ferdinand Pascual)

 

July 3, 2014

Kabataang Sangkot sa Cyber Sex Isinisisi sa Magulang

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Sinisisi ng ilang mga texters ng opinyon ng bayan sa programang Hataw Balita ang mga magulang ng ilang kababaihang nasasangkot sa Cyber Sex Pornography lalo na ng mga kabataang menor de-edad.

Sinabi ng karamihan sa mga texters na dapat daw  parusahan ang mga magulang ng mga kabataang biktima ng Cyber Sex dahil sa kapabayan sa kanilang mga anak.

Kadalasan pa daw kasi ay ang mismong mga magulang pa ang nagtutulak na gawin ito ng kanilang anak para lamang magkapera.

Ayon pa sa ilang Texters,dapat daw na mas  paigtingin pa ng pamahalaan ang kanilang pagtugis sa mga nambibiktima ng  mga kabataan na kadalasan ay mga dayuhan.

Nagagawa lang naman daw kasi ito ng ilang kabataan at magulang dahil sa hirap ng buhay.  Napipilitan umano silang kumapit sa patalim.

Dapat daw na gumawa ng aksyon ang Gubyerno para solusyunan ang kahirapan sa bansa na nagiging dahilan para gumawa ng masama ang ilang mga pinoy. (Ferdinand Pascual)

July 3, 2014

71% mas Pabor sa Paggamit ng Singaporean Private Detectives sa Kasambahay

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdBALER, Aurora-Pabor ang mas maraming taga-Aurora at mga taga-karatig lalawigan na nakiisa sa Opinyon ng bayan sa Hataw Balita sa isyu kung makatarungan ba ang mahigpit na pagbabatay ng ilang Singaporean sa mga Pinoy Domestic Helper (DH) doon gamit ang Private Detectives.

71% sa halos Dalawang daang mga texters ang nagsabing dapat lang dahil hindi naman daw ito gagawin kung wala silang ginagawang kababalaghan doon, kasalanan din daw kasi iyon ng ilang Pinay DH kaya bumababa ang tingin ng mga banyaga sa mga Pilipino.

Wala naman umano silang dapat ikabahala kung wala silang balak gumawa ng masama at tanging pagtatrabaho lang ang pakay sa ibang bansa.

Samantala, Dismayado naman ang nasa 29% sa mga texters. Nakakawala daw ng moral ang ginagawang hakbang ng mga Singaporian sa mga Pinay na nagtatrabaho sa kanilang bansa.

Hindi na daw kasi dapat pakialam ng mga Amo ang personal na buhay ng kanilang kasambahay sa Singapore.

Hindi naman daw kasi lahat ng Pinoy na nandoon ay gumawa ng masama kaya hindi umano makatarungan na pabantayan ng kanilang Amo sa Private Detectives ang Kanilang kasambahay lalo na sa panahon ng kanilang Day-Off. (Ferdinand Pascual)

July 3, 2014

1 Patay, 2 Sugatan sa Banggaan ng Motorisklo at Tricycle

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdSAN LUIS, Aurora-Binawian ng buhay ang isang lalaki matapos aksidenteng magbanggaan ang sinasakyan nitong single na motorsiklo sa isang tricycle sa bayang ito nitong Miyerkules.

Dead on Arrival sa pagamutan ang biktimang si Jayson Morales, 26 na taong gulang ng brgy. 04 sa nasabing bayan matapos  magtamo ng matinding pinsala sa ulo at iba-ibang bahagi ng katawan samantalang sugatan din ang dalawang angkas nito.

Agad inaresto ng San Luis PNP ang Driver ng Tricycle na kinilalang si Dionicio Sanchez.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, nangyari ang insidente sa highway na sakop ng brgy. Zarah bandang alas-dos ng madaling araw.

Nakapiit na ngayon sa Aurora Provincial Jail  si Sanchez matapos sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property at maaaring madagdagan pa dahil sa illegal na mga tabla na sakay nito. (Ferdinand Pascual)

July 3, 2014

51 Pirasong Tabla, Kinumpiska ng mga Otoridad

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdSAN LUIS, Aurora-Nadiskubre ng mga otoridad ang abandonadong mga tabla na nasa 51 na piraso sa pakikipagtulungan ng mga opisyales ng Barangay na kung saan agad nila itong kinumpiska.

Ayon kay Police Inspector Floriano Garcia, Deputy Chief of Police ng San Luis PNP, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa mga opisyales ng Brgy. Diteki hinggil sa mga ilegal na kahoy kaya noon din ay nagsadya sila sa lugar. 

Bunga nito, agad isinakay sa truck ang nasabing mga kontrabando at idinala sa DENR-PENRO para sa kaukulang imbestigasyon.

Sa kabilang dako, nagtatanong ang ilang concern citizen kung paano nakakapamutol ng kahoy ang mga timber poachers samantalang mahigpit umano ang pagbabantay ng DENR. (Ferdinand Pascual)

July 3, 2014

Paglaganap ng Droga, Susupilin ng mga Otoridad

by Bagong Aurora Website ng Bayan

ferdMARIA AURORA, Aurora-Sa Programang Punto De Bisto, inamin ni Police Inspector Roman Zagala, Deputy Chief of Police ng Maria Aurora Philippine National Police na may ilang operasyon pa ng ipinagbabawal na gamot ang patuloy na sinusubaybayan ng mga otoridad sa bayang ito.

Hindi umano madali ang mga proseso para mapatunayan ang isang tao na nagtutulak ng Shabu maging sa iba pang uri ng ipinagbabawal na gamot.

May mga lumalabas kasing issue na halos sa Ma. Aurora nagmumula ang mga drogang ibinibenta sa lalawigan.

Sinabi ni Zagala na hindi naman sila tumitigil sa pagtugis sa operasyon ng droga dahil isa ito sa mga tinututukan ng Pulisya sa nasabing bayan.

Base sa talaan ng pulisya, sa bayang ito ang may pinakamalaking accomplishment laban sa ilegal na droga. (Ferdinand Pascual)