Archive for April 22nd, 2012

April 22, 2012

Mga katutubo sa Aurora, kinalinga ng UP

by Bagong Aurora Website ng Bayan

Tinitingnan ng nurse ang blood pressure ng isang katutubong Ilongot ng magdaos ng medical at dental mission sa Brgy. Bayanihan, Maria Aurora, Aurora noong Linggo ang Industrial Pharmacy Honor Society ng University of the Philippine-Manila College of Pharmacy at ng Ugnayan ng Pahinungod ng Manila sa pakikipagtulungan ng Genesis, Cathay, YSS Drugs at opisina ni Senador Edgardo J. Angara at ilang mga doktor ng lalawigan.(Ronald Madrid Leander)

BALER, Aurora, April 22, 2012-Tumanggap ng mga serbisyong medical at dental noong Linggo ang mga katutubong Ilongot sa mga barangay ng Bayanihan at Kadayakan sa bayan ng Maria Aurora, Aurora na ipinagkaloob ng Industrial Pharmacy Honor Society ng University of the Philippine-Manila College of Pharmacy at ng Ugnayan ng Pahinungod ng Manila sa pakikipagtulungan Genesis, Cathay, YSS Drugs at ng ipinagmamalaki ng Aurora na si Senador Edgardo J. Angara at ilang mga doktor ng lalawigan.

 
Maliban sa naturang mga serbisyo at mga minor surgeries, nagkaloob rin ang grupo ng mga gamot at tinuruan ang mga katutubo ng tamang paggamit ng mga halamang gamot na makikita sa kanilang lugar bilang alternatibo sa mga nabibili sa botika.
 
Sa panayam sa chairperson ng organisasyon na si Stalin Mirasol, taun-taon diumano nila ginagawa ang ganitong gawain bilang bahagi ng kanilang community service at pagtalima sa prinsipyo ng kanilang samahan na academic excellence, community service at social awareness.
 
“Isa po ang medical at dental mission sa mga paraan para ma-fulfill namin yung community service and aside from medical mission, marami pa kaming mga outreach program,” pahayag ni Mirasol.
 

Binubunutan ng ngipin ang isang katutubong Ilongot ng magdaos ng medical at dental mission sa Brgy. Bayanihan, Maria Aurora, Aurora noong Linggo ang Industrial Pharmacy Honor Society ng University of the Philippine-Manila College of Pharmacy at ng Ugnayan ng Pahinungod ng Manila sa pakikipagtulungan ng Genesis, Cathay, YSS Drugs, 48 IB at opisina ni Senador Edgardo J. Angara at ilang mga doktor ng lalawigan. (Ronald Madrid Leander)

“Napili namin ang  Aurora dahil sa paghahanap ng samahan ng mga bagong lugar na maseserbisyuhan na may mga indigenous people na hindi laging natitingnan ang kanilang kalusugan,” dagdag nito

 
Lupos naman ang pasasalamat ng mga Ilongot sa serbisyong ibinigay sa kanila ng UP. “Natutuwa kami at nagpapasalamat dahil nakarating dito ang medical mission ng UP at malaking tulong ito sa aming kalusugan at isa ito sa mga inaasahan naming programa ng pamahalaan para sa amin,” pahayag ni Provincial Chieftain Romeo Cawad na  siya ring provincial consultative body chairman ng mga katutubo sa probinsya.
 
Kasabay ng gawaing ito ng UP, nagsagawa naman ng “Operation Tuli” sa Aurora Memorial Hospital ang Batch ‘86 ng  Mount Carmel College at Philippine Institute of Civil Engineers-Aurora Chapter.
 
Mahigit 150 kabataan buhat sa apat na bayan ng  Gitnang Aurora ang nabiyayaan ng kanilang kawang-gawa na tumagal ng dalawang araw.
 
Ayon kay Geraldine Pujeda-Dorado, isa sa miyembro ng Batch ’86, marami pa raw sanang mabibiyaan ng kanilang operation tuli dahil marami pa ang nasa waiting list pero kinapos na sila ng gamot dahil sa hindi nila inaasahang pagdagsa ng mga batang magpapatuli.
 
Maliban sa operation tuli, nakatakda ring pakainin ng grupo ang mga estudyante sa Grades 1 at 2 sa mapipili nilang eskwelahan bilang bahagi ng kanilang outreach program na bunga umano ng kanilang matagumpay na silver anniversary noong nakaraang taon. (Ronald Madrid Leander)
April 22, 2012

Ugnayan ng Media (CLMA) at Pulisya, pinalakas

by Bagong Aurora Website ng Bayan
CAMP OLIVAS, Pampanga, April 22, 2012-Nagkaharap sa bihirang pagkakataon ang mga opisyales ng Central Luzon [R3] Media Association at ilang matataas na pinuno ng Pambansang Pulisya sa Gitnang Luzon (PRO3) ng ganapin sa kampong ito noong Sabado ang buwanang board meeting ng samahan sa pangunguna ng pangulo na si Tony Arcenal.
 
Pinag-usapan ng magkabilang panig ang pagpapalakas ng ugnayan ng media at pulisya at mga isyu na sangkot ang pulis at mga mamamahayag hindi lang sa Gitnang Luzon kundi sa buong bansa.
 
“Mahalaga ang Komunikasyon sa pagitan ng media at pulisya upang magkatulungan para sa sambayanan,” pahayag ni Police Senior Superintendent Nolie Taliño, Deputy Regional Director for Operations ng PRO3 kasama ang hepe ng Regional Public Information Office na si Police Superintendent Romeo De Castro.
 
Ang dalawang mataas na opisyal ang pinaharap ni Police Chief Superintendent Edgardo Ladao dahil nasa mahalaga itong gawain sa probinsya ng Zambales.
 
“Media relations has always been part and parcel of our integrated transformation program through the PNP-ITP on public and Advocacy,” sabi ni Taliño
 
Nagpasalamat rin ang opisyal sa pamunuan ng CLMA dahil pinili ang kampo na pagdausan ng pulong ang kampo at maging daan upang mapalakas ang ugnayan ng pulisya at media.
 
Sinabi nito na ang pulong ng CLMA sa kampo ay isang paalala sa kanila sa mahalagang papel ng media sa demokrasya.
 
“As you gather here, we would be reminded about the essential keystone of broadcasting in a democratic society: that media provides the means for a free market of ideas, access by media to information is given wide latitude most especially when it comes to matters of governance, public and political affairs.” pahayag ni Taliño
 
Tiniyak rin nito na ang pulisya sa Gitnang Luzon ay gagawin ang kanilang tungkulin at patuloy na magseserbisyo para sa kapakanan ng buong rehiyon.
 
Hiniling naman ni De Castro sa mga opisyales ng CLMA na kung may reklamo o puna sa mga pulis sa Gitnang Luzon ay huwag idaan sa dyaryo o radio dahil ito diumano ay lumalabas na trial by publicity. “Hindi malulutas ng dyaryo, radyo o tv ang isang pangyayari, ipagbigay alam ninyo sa akin at ako ang gagawa ng unang hakbang upang papanagutin ang isang alagad ng batas kung may mali man itong ginawa o ginagawa lalo na sa isang mamamayahag,” pahayag nito.
 
Ipinahayag naman ni Abel Pablo, Secretary General ng CLMA na sa panahon ngayon na maraming media ang pinapatay, kailangang magkaisa ang lahat ng mga mamamahayag lalo na ang mga miyembro ng CLMA.
 
“Huwag tayong matakot,  ipahayag at ipaalam natin hindi lang sa buong bansa kundi sa buong mundo ang mga nangyayari sa paligid lalo na ang harassment sa mga kabaro nating media,” sabi ni Pablo.
 
Sinabi naman ni Arcenal na nanatiling nakatayo at malakas at patuloy na lumalakas ang CLMA mula sa pitong lalawigang ng Gitnang Luzon.
 
“Maliban sa pamamahayag, itinataguyod namin ngayon ang pangangalaga sa kalikasan at kung paano tutugunan ang lumalalang climate change, in fact, napagkasunduan namin na everytime na magmimiting kami ay magtatanim kami ng puno at ito ay sisimulan namin sa board meeting namin sa Dipaculao, Aurora sa Mayo 25-26,” pahayag ni Arcenal. (Ronald Madrid Leander)
April 22, 2012

ANGARA ON RE: “CAUTION SHOULD NOT TURN INTO FOOT-DRAGGING”

by Bagong Aurora Website ng Bayan

MANILA, April 22, 2012-Senator Edgardo J. Angara lamented the slow implementation of the Renewable Energy Act of 2008 (RA 9513), which has exacerbated the country’s energy issues.  

With 13 other senators, Angara sponsored the bill, which many like the World Wide Fund for Nature (WWF) described as one of the most comprehensive and forward-looking renewable energy laws in the world.

“Ours has remained a laggard economy because we have not dealt with our energy problems decisively,” Angara explained in a speech delivered on his behalf by Luis T. Arriola of Asean Biztimes at the recent 2nd Philippine Renewable Energy Summit. “Energy is an area that requires clear vision and a definite direction.”

Angara emphasized that this direction was already charted by the Renewable Energy Act, adding, “We had already arrived on a solution long before the recent spate of rotating brownouts in Mindanao happened.”

The veteran lawmaker noted that while the Department of Energy (DOE) has already approved 268 renewable energy service contracts since 2009, important policy mechanisms provided in the RE Law have yet to be implemented on account of ongoing deliberations.  

Some of these mechanisms include the Renewable Portfolio Standards, guidelines on net metering and Renewable Energy Certificates (RECs), and the FIT (feed-in-tariff) system.

“While we should weigh matters of immense public interest carefully, we also should not allow reflection to turn into inaction,” said Angara, Chair of the Senate Committee on Science and Technology. “Caution should not evolve into foot-dragging that translates into an unresponsive, short-sighted energy policy.”

Around $5 billion worth of potential investments is said to have gone elsewhere, due to the slow pace of development.

The country has the potential to generate almost 261,000 MW of clean energy from the combined capacity of geothermal, wind, ocean and hydropower resources.

Around 40 percent of the country’s primary energy mix is already renewable, with 26 percent of the actual power generated—approximately 17,800 Gigawatt-hours—is sourced from RE.

“We can do better considering that we are the second largest producer of geothermal energy in the world, next only to the United States. We are also the top wind power producer in Southeast Asia, and we receive double the solar flux European countries get in a year,” urged Angara. “Unfortunately, we are not maximizing this potential or the regulatory framework we had endeavoured to put in place.” (Rikka Sotto)