Lahat ng LGUs na malapit sa dadaanan ng misayl ng North Korea kinakailangan ang pag-iingat – Robredo

by Bagong Aurora Website ng Bayan
BALER, Aurora, Abril 12, 2012-Hinikayat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo ang lahat ng local government units (LGUs) na malapit sa dadaanan ng long range ballistic missile ng North Korea na magsagawa ng kinakailangang pag-iingat upang mapangalagaan ang kanilang mga nasasakupan mula sa mga labi ng pagbagsak ng rocket.
 
Ibinigay niya ang babalang ito sa mga opisyal ng pamahalaang lokal na nasa mga Rehiyon 1, 2, 3, 4-A, 5, at Cordillera Administrative Region (CAR).
 
Inaasahang ilulunsad ng North Korean ang misayl nito sa ika-12 hanggang ika-16 ng Abril.
 
“Considering that the debris of the missile test might fall in Philippine territory, you are hereby directed to take all precautionary measures to prevent loss of lives and property (Isinasalang-alang na ang mga labi ng pansubok na misayl ay maaaring bumagsak sa teritoryo ng Pilipinas, kayo ay inaatasan na gawin ang lahat na hakbang sa pag-iingat upang maiwasan ang pagkawala ng mga buhay at ari-arian),” pagbibigay-diin ni Robredo.
 
Hinimok din ng hepe ng DILG ang mga local chief executive na ilagay sa alertong katayuan ang kani-kanilang disaster response unit para sa anumang mangyayari.
 
Idinagdag pa ni Robredo na dapat iulat kaagad ng publiko sa mga kinauukulan kung may mga labi ng rocket ang bumagsak sa kanilang lugar.
 
Una rito, inihayag ni Office of Civil Defense (OCD) administrator at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary Benito Ramos na ang bansa ay magpapatupad ng “no-fly zone (walang-liparang pook)” sa aerospace (kalawakan) kung saan ang mga labi ng misayl ay inaasahang tatama.
 
Sinabi ni Ramos na ipapatupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ng Philippine Air Force (AFP) ang “no-fly zone.”
 
Ang babagsakang lugar ay tinatayang mga 190 nautical miles sa hilagang-silangan ng Sta. Ana, Cagayan.
 
At dahil walang kakayahan ang Pilipinas upang mahadlangan ang mataas na paglipad ng misayl tulad ng Japan, South Korea, kung saan inalerto na ng mga interceptor unit nito upang wasakin ang rocket ng North Korea kapag dumaan ito sa kanilang kalawakan, sinabi ni Ramos na pagtitibayin ng bansa ang istratehiyang “get out of the line of fire” tulad ng pagpapatupad ng “no-fly zone” mula Abril 12-16.
 
Ang babala ay ipinadala na sa mga civilian air carriers at shipping lines na gumagamit sa lugar.  (Jojo S. Libranda)

Disclaimer: The comments uploaded on this website do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "Bagong Aurora Website ng Bayan". All feedbacks sent to the site and all articles submitted to it are considered property of Bagong Aurora Website ng Bayan. Such feedback may be posted on the site or used in other mediums. If you wish to reproduce, republish, upload, post, transmit, modify, distribute or publicly perform or display material from this site, you must first obtain written permission from Bagong Aurora Website ng Bayan through its Publisher and/or Editor in Chief for reprinting and syndication costs and agreements. You may view and download material from this site for your personal, non-commercial home use only. The Bagong Aurora Website ng Bayan Columnist/s opinionated in this site redound to his/her own perspective only and not the whole group. Only the columnist/s are held liable in his own opinion for whatever he would like to emphasize. (Bagong Aurora Website ng Bayan, Editor-in-Chief )