DOLE at ASCOT nagdaos ng career summit

by Bagong Aurora Website ng Bayan

BALER, Aurora, April 8, 2012-Nagsagawa kamakailan ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa pakikipagtulungan ng Aurora State College of Technology (ASCOT), ng una nitong career summit sa lalawigan. 

Sa temang, “Choosing the Career You Dream For the future (Ang Pagpili ng Karerang Pangarap Mo Para sa Hinaharap),” nilahukan ang summit ng Aurora National Science High School, Baler Essential Adventist Academy, Baler Institute, Baler National High School, at Calabuanan National High School. 

Dumalo ang may kabuuang 162 mag-aaral sa ika-apat na taon ng sekondarya sa summit na umaasang magagabayan sa pagpili ng mga tamang karera sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo. 

Sa kanyang mensahe, hinikayat ng pangulo ng ASCOT na si Dr. Eusebio V. Angara ang lahat ng mga mag-aaral na magko-kolehiyo na ituon ang isip sa pagkamit ng kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti. 

Nagbigay naman ng pananalita si Antonio M. Mutuc Jr. ang pinuno ng DOLE-Aurora Field Office sa karera at pagtuturo ng trabaho at sa kaalaman sa labor market. 

Tinalakay ni Mutuc ang mga paksa sa tamang mga hakbang sa pagpili ng tamang karera ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng tama at napapanahong kaalaman sa kasalukuyang merkado sa trabaho. (Jojo S. Libranda)

Disclaimer: The comments uploaded on this website do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "Bagong Aurora Website ng Bayan". All feedbacks sent to the site and all articles submitted to it are considered property of Bagong Aurora Website ng Bayan. Such feedback may be posted on the site or used in other mediums. If you wish to reproduce, republish, upload, post, transmit, modify, distribute or publicly perform or display material from this site, you must first obtain written permission from Bagong Aurora Website ng Bayan through its Publisher and/or Editor in Chief for reprinting and syndication costs and agreements. You may view and download material from this site for your personal, non-commercial home use only. The Bagong Aurora Website ng Bayan Columnist/s opinionated in this site redound to his/her own perspective only and not the whole group. Only the columnist/s are held liable in his own opinion for whatever he would like to emphasize. (Bagong Aurora Website ng Bayan, Editor-in-Chief )